KISS AWAY SHIN Dahil sa matinding pagod na nadarama ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa aking silid. Nang tuluyan akong magising ay saka ko lang napagtanto na ilang oras rin pala akong nakatulog. Alas tres na ng hapon sa ayon sa orasan. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil roon. Hindi na ako nakapag- umagahan at tanghalian. Sigurado akong ganoon rin si Rosalie kaya naman kailangan kong kumilos at asikasuhin siya. Alam kong sa ngayon ay gusto niyang mapag- isa at wala siyang gana kahit sa pagkain man lang pero hindi ko siya pwedeng hayaan sa kanyang gusto. She is very fragile right now and she needs the energy so she has to eat. Lumabas ako sa aking silid at unang pinuntahan ang living room upang tingnan kung naroon siya ngunit wala siya roon. Lumabas na rin ako

