HURT ROSE Hirap na hirap ako nang magmulat ng mga mata. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng aking mga mata at pati na ng aking buong katawan. Nang iangat ko ang aking mukha mula sa pagkakayuko ay agad akong nasilaw sa liwanag na diretsong nakatutok sa akin. It was too blinding that it hurt my eyes almost immediately. Napapikit akong muli. Iaangat ko na sana ang aking kamay upang kahit paano ay matakpan ko ang aking mga mata at maprotekatahan sa liwanag ngunit laking gulat ko nang hindi ko iyon maigalaw. My hands were tied behind my back. Saka ko lamang rin na-realize na ang mga paa ko'y restrained din! At that moment, it all sunk into me. I was taken from the apartment. I was kidnapped... and hindi ko alam kung saan ako naroon ngayon. My tears started to fall uncontroll

