Kasalukuyang nasa isang meeting si Gabrielle, ngunit wala sa pagpupulong na iyon ang buong atensyon niya. Okupado ng iisang tao ang buong utak at sistema niya ng mga oras na iyon. "Ma'am Gabrielle?" Blanko siyang napatingin sa Marketing head ng kompanya. Nagulat siya nang makitang halos lahat ng nasa board room na iyon ay nakatingin na sa kanya. "Ah. Ano iyon?" Tanong niya sa mga ito. Wala siyang kahit na anong nakuha sa mga sinabi ng nagsasalita sa harap. "I think. We're done here now. We can talk about this again tomorrow" Si Blaize ang huling nagsalita. Tumingin ito sa kanya. Bago ito ngumiti at nagpaalam sa mga kasama nila. "We need to talk" Bulong nito sa kanya bago pa man ito tuluyang lumabas ng boardroom. Bumuntong hininga siya. She was expecting this. Halos tatlong araw na rin

