Nagising si Gabrielle sa loob ng isang pamilyar na kwarto. Kaagad niyang inilibot ang mga mata sa paligid at hinanap si Wish. Napangiti siya nang makitang nakaupo ito sa upuan malapit sa kinahihigaan niyang kama. Hindi na talaga niya alam kung ilang beses dapat siyang mawalan ng malay at magigising kung hindi sa kwarto nito ay sa kwarto niya o di naman kaya ay sa ospital. She always passed out in this story kung teleserye lang siya sa telebisyon ay baka nabansagan na siyang si Himatay girl dahil ilang beses na siyang nawawalan ng malay. "You're not feeling well. Are you?" Kaagad na tanong ni Wish sa kanya nang makita nitong gising na siya. She looked at him at ngumiti. "Kailan ba'ko hindi nawalan ng malay?. Lagi namang nangyayari ito wala pa ang sakit kong ito" She still managed to crac

