Halos hindi pa rin makahinga ng maayos si Gabrielle habang nakaupo Couch ng bahay ni Wish. Pakiwari niya ay muntik nang tumakas ang puso niya mula sa katawan niya sa sobrang takot at kaba. Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan ng mga oras na iyon. Ni hindi man lang ito pinagpawisan na tulad niya. He is not even life and death situation katulad niya. Tila wala lang dito na muntik na silang mahuli at makulong dahil sa pagpasok nila sa sinehan ng hindi maayos. Seriously kailangan na talaga nitong matuto ng mga galaw ng tao. Pakiwari niya ay magiging delikado ang buhay niya sa mga susunod na araw hangga't hindi nito iniiwasan ang mga illegal na gawain nito. Kagaya na lang ng panunuod nito sa sinehan ng walang bayad. Alam naman niyang may kapangyarihan ito. Pero napaka-unfair

