THREE

2854 Words
Pilit na iniignora ni Gabrielle ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Inakupa niya ang sarili sa pagiging busy sa pagkuha ng mga orders, at paglilinis sa Spiral Cafe. She wanted to get rid of something that's bothering inside her mind, ngunit sa isang libo't, isang beses ay hindi pa rin niya magawang kalimutan ang mga nangyari. "Sweetdreams again human" hanggang sa mga oras na iyon ay paulit ulit pa rin at tila sirang plaka iyong nagpi play sa utak niya. Hindi na niya alam kung tama pa ba ang laman ng utak niya, or baka pati iyon ay dinamay na ring manipulahin ng kakaibang nilalang na iyon nakilala niya. "Hindi! Hindi siya totoo!" aniya sa sarili, sa hindi na rin niya mabilang na beses. Paulit ulit niyang kinukumbinsi ang sarili niyang hindi ito totoo na hindi totoo ang lahat ng nangyari, ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin niya magawang lokohin ang sarili, dahil sa bagay na patunay na nasa mismong daliri niya ng mga oras na iyon. Bumuntong hininga siya. She never thought na merong nilalang na katulad ng lalaki sa mundo. She never thought that magic and power really do exist, lalo na at ang weirdo ng lalaking nakilala niya.  Sino ba ang mag-aakalang isang nilalang ang 'Wish?. Kung alam lang sana niya ay hindi na niya sinubukang humiling dito na manalo siya sa lotto noon, upang makabili siya ng lahat ng gusto niya. Nakailang hagis pa siya ng barya niya sa isang Wishing Well, upang mas maging powerful ang hiling niyang iyon, ngunit wala din namang nangyari. Naubos lang lahat ng barya niya ay wala namang nagkatotoo sa lahat ng kahilingan niya. Tapus ngayon lang ito magpapakilala sa kanya?. Her life was in a mess ng mga oras na iyon, at hindi niya alam kung paano niya iaangat ang buhay niya not even Wish himself could make her happy sa mga oras na iyon. Dumagdag pa ito sa problema niya ang kontratang pinagsasabi nito na wala naman siyang kaalam alam. "Miss!" nasa ganoon siyang paghihinuha nang mapansin niya ang isang babaeng nasa harapan na pala niya sa counter. Naglayag na naman ang isipan niya at nakalimutan na naman niyang on duty pa siya ng mga oras na iyon. "Here's your order ma'am, pasensya po" nakangiti niyang inaabot ang isang order ng Ice americano sa babae, ngunit kaagad din namang napawi ang ngiti niya ng makita ang sumunod na lalaking pumasok ng Cafe. He headed towards the counter, at malayang tumingin sa menu na nakapaskil sa kanyang likuran as he completely ignoring her. "Anong bestseller niyo dito Miss?" gumuhit ang ngiti sa mga labi nito, ngunit hindi iyon ang nakatawag sa pansin sa kanya kung hindi ang 'MISS' na tinawag nito sa kanya. Mapait ang naging pag ngiti niya. The guy is really testing her patience. "Miss? pati pangalan ko hindi mo na rin alam?" gumuhit ang pagtataka sa mukha nito, kasabay ng pagbaba ng tingin nito sa nameplate na nasa na nakadikit sa uniform niya. "Gab, Iyan ba pangalan mo? Nagkakilala na ba tayo noon? Hindi ko kasi maalala e, Pasensya" kaagad na gumuhit ang sakit sa dibdib niya. She never thought he would go to that extent, para lang mawala siya sa buhay nito. "Blaize, tama na" pinigilan niya ang sariling awayin ito o magalit dito. She can go hysterical anytime ng mga oras na iyon, ngunit nasa trabaho siya at ayaw niyang masigawan niya ang lalaki. She still need her work. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" takang tanong nito. Kasabay ng pagguhit pagkataka sa mukha nito, habang siya naman ay pinilit pa rin na pinapakalma ang sarili. Inilibot niya ang mga mata niya sa kabuuan ng Cafe, hindi na ganoon kadami ang tao kaya nagpasya siyang mag exit sa counter upang makausap niya ang lalaki.. "Mag-usap tayo" aniya dito kasabay ng muling pagkunot ng noo ng lalaki, mukhang paninindigan talaga nito ang pagpapanggap nitong hindi siya nito kilala. Hinawakan niya ito sa kamay at plano sanang dalhin sa paborito nilang pwesto sa cafe. Gustong gusto niya ito sampalin ng mga oras na iyon, ngunit pinigil niya ang sarili. "Teka Miss!" Nanlaki ang mga mata niya ng pwersahang hablutin ng lalaki ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya. nakaguhit pa rin ang pagtataka sa mukha nito. "Blaize, Ano bang problema mo? Gusto lang kitang makausap hindi na rin pwede yun?" tanong niya dito treinta minutos na lang ay off na niya sa trabaho, ngunit hindi na makakapaghintay ng treinta minutos ang utak niya. Na pakiwari niya'y sasabog na sa sama ng loob sa lalaki ng mga oras na iyon. Hindi na rin niya mapigilan ang mga luha niyang kanina pa gusto kumawala mula sa kanyang mga mata. "I don't know you! Hindi ko alam kung bakit mo ko kilala pero hindi kita kilala! So stop acting like this!" ngayon ay nasa kanila na ang atensyon ng halos lahat ng mga customer ng Cafe. "Gab, anong nangyayari?" lumapit na sa kanila ang manager ng Cafe na si Krista. Kaagad na gumuhit sa magandang mukha ng babae ang pagtataka, habang nagpapalit palit ng tingin mula sa kanilang dalawa ni Blaize  "Ma'am, pasensya po pero-"  "Ser Blaize, pasensya po hindi ko po alam kung bakit nagkakaganyan si Gab, but she was a good employee, baka pagod lang talaga siya. I, can get your order Ser if you want, ano po ba ang gusto niyong orderin?" nagsasalita sana siya kanina, ngunit pinutol ng babae ang sana'y sasabihin niya at tinungo si Blaize. kumunot ang noo niya dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito sa lalaki na tila ba napakaimportanteng tao nito. Hindi naman ito ganoon sa lalaki. Kilala silang pareho ni krista kaya siya nakapagtrabaho sa Spiral Cafe, ngunit ni minsan ay hindi nito trinato ng sobrang espesyal ang lalaki. katulad ng pagtrato nito dito ng mga oras na iyon. "Gab, linisin mo na lang ang mga baso" utos sa kanya ni Krista, saka muling binalingan ang lalaking katabi. Muli niya itong dinala sa harap ng counter at pinapili ito ng gusto nitong inumin, habang siya naman ay wala pa ring naiintindihan sa mga nangyayari. "Blaize John Salvador" tawag niya sa pangalan ng lalaki. Saka muli niya itong pinaharap sa kanya, at walang pagdadalawang isip na ginawaran ito ng malakas na sampal. Umalingawngaw ang tunog ng palad niya sa pisngi nito sa buong Cafe. "Itigil mo na ang kahibangang ito!" sigaw niya. She burst out those emotions that she kept on holding on inside. Wala na siyang pakialam kung anuman ang mangyari sa trabaho niya. All she knew ay nasaktan siya at sapat na iyon upang gawaran niya ng sampal ang lalaki. She can't hold back her tears and emotions anymore. "Gab!" kaagad siyang hinila ni krista palayo sa lalaking gulat padin sa sampal na iginawad niya sa pisngi nito. Hinila siya ng manager niya sa kitchen ng naturang Cafe. "What's wrong with you! Alam kong pagod kana dahil wala kang katulong dito sa Cafe! Pero hindi din sapat na rason iyon upang sampalin mo si Ser Blaize! Why do you keep on insisting na kilala mo siya? Hindi mo siya kilala at mas lalong hindi ka niya kilala! He was the owner of this building  mahihirapan tayo kung paaalisin niya tayo dito dahil lang sa ginawa mo!" galit na sambit ni Krista sa kanya. May diin sa boses ng babae, ngunit hindi pa rin nag sisink in sa utak niya ang mga nangyayari ng mga oras na iyon. Lalo na ang parteng si Blaize ang nagmamay-ari ng building kung nasaan nandoon ang Spiral Cafe. Mula pagkabata ay kilala na niya ang lalaki at sigurado siyang wala itong pera upang bilhin ang buong gusali na iyon, at mas lalong wala itong mapagkukunan ng ganoon kalaking halaga.  His mother and father owned a carinderia sa isang palengke na ilang kanto lang ang layo mula sa Cafe, kahit na buong buhay na ng mga ito sa karinderyang iyon, ngunit hindi pa rin lagi nagiging sapat ang kinikita ng mga ito para sa lahat ng gastusin nila. Kaya, madalas noon ay siya pa ang nagbibigay ng extrang pera kay Blaize nang nasa kolehiyo pa sila.  Something was wrong. Pinaglalaruan ba siya ng mga ito?. "Pero ma'am krista! Hindi po kaya ni Blaize ang bilhin ang gusaling ito! Baka nagkakamali kayo lagi kaming nandito noon. Kaya nga kinuha niyo akong magtrabaho dito, imposibleng si Blaize ang nagmamay-ari ng gusaling ito!'  aniya sa babae na kaagad ding kumunot ng noo. "Gab, umuwi kana may sakit ka ata. Consider na lang nating day off mo ngayon, kaya wala kang sweldo. I am not firing you, pero for now umuwi ka na lang muna at magpahinga" anito at pagkuwa'y tinalikuran na siya nito at iniwan sa kusina ng naguguluhan. She wanted to know the truth from Blaize, at ito lang din ang makakasagot sa mga katanungan niya ng mga oras na iyon. Something was not right and she had to know it. Muli siyang lumabas ng kusina at binalak sanang tunguin ang lalaki, ngunit isang babae ang lumapit sa kanya. At nakataas ang kilay at tila ba sasaktan siya pag may sinabi siyang hindi nito magugustuhan. "How dare you na sampalin si Blaize!" singhal nito sa kanya. May tatlo pa itong kasama na tila mga anino nitong nakatayo sa likuran nito, ngunit wala siyang pakialam si Blaize ang gusto niyang makausap hindi ang tatlong iyon, na obvious namang die hard fan na naman ng Best friend niya.  "Excuse me, kakausapin ko lang ang Best friend ko" iniwasan niya ang mga ito at naglakad patungo sa lalaki na sa mga oras na iyon ay nakaupo na sa gilid na bahagi ng cafe malapit sa pinto, She just wanted to clear things out wala na siyang pakialam kung wala na itong planong kausapin o maging makaibigan siya ng mga oras na iyon. Ngunit, hindi paman siya nakakahakbang ng malayo ay isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa damit niya at hinila siya, dahilan upang ma out balance siya at mabuwal sa sahig. Ngunit, hindi niya pinansin ang nangyari at sa halip ay pinilit niyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig, ngunit hindi niya namalayang nahagip pala niya ang isa pang lamesang malapit sa kanya, dahilan upang matapon sa kanya ang inumin at pagkaing nasa lamesang iyon, napaso siya ng mainit na kapeng nabuhos sa kamay niya. "Yan, bagay nga sa'yo!" Nadinig niyang sambit ng isa sa mga babaeng may gusto kay Blaize. Habang nagsimula na ang mga itong magtawanan sa kanyang likuran. She was about to stand up ng itulak din siya ulit ng babaeng kumakain sa naturang lamesa. "How dare you! Bakit ka kasi tatanga tanga! You ruined my laptop anong ibabayad mo dito ha! Kanina kapa kasi, pinipilit mo pa rin yang sarili mo sa lalaking wala namang pakialam sa'yo! wake up! Hindi magkakagusto sayo si Blaize he's a different level from you! know your place stup*d!" Malakas na sigaw ng babae sa kanya saka ito humakbang palayo at tinungo ang pinto at lumabas na doon. Hindi na niya napigilan ang maiyak. Saka tumingin sa lalaking dahilan kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon ng mga oras na iyon. She was expecting him to rescue her. She was expecting him na lumapit sa kanya at ipaglaban siya at ipagsigawan na siya ang best friend nito just like what he always do noong nasa elementarya hanggang sa college na sila. He was once her hero, ngunit tuluyan ng nawala ito sa kanya he was just staring blankly at her ng mga oras na iyon at wala talaga itong balak na ipagtanggol siya at tulungan manlang siya and it's breaking her heart into pieces as she was crying out loud. Nahagip ng kanyang mga mata ang singsing na nasa daliri niya. She needed someone right now, kung totoo man ito at nag-eexist ito ay umaasa siyang matutulungan siya nito sa mga oras na iyon, kahit doon lang, kahit na sa oras na iyon lang ay kailangan niya muli ito. "Wish" mahinang bulong niya kasabay ng kanyang paghikbi. Nais nalang niyang kainin ng lupa sa sobrang hiya niya ng mga oras na iyon. "Hoy! Tumayo kana diyan! Wala kang superhero dito!" naramdaman niyang may malamig na bagay ibinuhos sa ulo niya. She was about to looked at it ng madinig niya ang pagbukas ng pinto ng Cafe, then everything stopped, lahat ng bagay sa paligid niya ay biglang huminto ng literal. At isang pamilyar na yabak ang tanging na dinig niya sa paligid. Kaagad siyang natigilan nang ilibot niya ang mga mata sa paligid. Tila nasa isang pelikula siya lahat ay hindi gumagalaw kahit na ang tubig na ibinuhos sa kanya ng babaeng nasa harapan niya ay na rin gumalaw at nanatili lang sa ere. "Anong…" "I, see that you're in a mess again?" isang pamilyar na boses ang narinig niya sa gitna ng katahimikan. Kaagad siyang lumingon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Kaagad naman siyang sinalubong siya ng itim  nitong mga mata. He was smiling, ngunit blangko ang ngiting iyon. "Wish" tanging pangalan lang nito ang kumawala sa mga labi niya. "Finally, tinawag mo rin ako" tinulungan siya nitong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig ng Cafe at kaagad na tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Hindi ko alam na pwede na din palang maligo sa Cafe na ito?" Natatawang sambit nito. Nang makita nito ang basang basa niyang mukha at damit. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Iyon ba talaga ang dapat niyang itanong?, O mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang hindi gumagalaw na mga bagay sa paligid? "You called me" anito. saka inabot ang kamay niya, napangiwi siya dahil mahapdi ang parteng iyon. Iyon ang parteng natapunan ng mainit na kape. Hinawakan nito iyon at sa isang iglap ay nawala na sakit maging ang pamumula noon. "Hindi ko alam na pupunta ka talaga" sambit niya. Totoo iyon hindi talaga niya inasahang pupunta ito. "Let's talk later, Human" anito. Saka siya hinila papalabas na ng Cafe, ngunit bago pa man sila tuluyang makalabas ay dumaan pa muna ang kanyang tingin kay Blaize.  Napakatanga niya upang isiping meron pa itong pakialam sa kanya. Matapos nilang makalabas ng naturang cafe ay kaagad nilang tinungo ang parking space. Wala din siya sa tamang huwestiyo ng mga oras na iyon. Kaya tila aso siyang sunod ng sunod dito. "Hey! May balak kabang sumama sa akin?" tanong nito. Kaagad namang nanlaki ang mga mata niya. Nang mapagtanto niyang kusa pa niyang binuksan ang front seat ng sasakyan nito at sumakay na mismo doon. "Hindi!" Napailing siya. Ano bang nangyayari sa kanya?  She was about to open the door again at lumabas doon nang biglang mag click ang lock ng pinto noon. "Since nandito ka na rin naman sumama kanalang sa'kin" Napailing iling siya. There's no way na sasama siya sa lalaki. Nagkamali lang siya. Na carried away lang. "Ahhm, Ayos lang ako. Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina pero marami pa akong gagawin e" pagsisinungaling niya. "With that state?" tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakalimutan niyang basang basa pala siya at hindi niya na rin ma distingish kung amoy cake ba siya o kape ng mga oras na iyon. She was still wearing her apron at nakasuot pa rin sa ulo niya ang hairnet niya. " Ayos lang ako, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa loob at aalis na" pagsisinungaling niya ulit. kahit na sa totoo lang ay wala na siyang mukhang ihaharap sa mga taong nasa loob ng Cafe ng mga oras na iyon. "You, really don't know how to listen. Are you?" nakaguhit sa mukha ng lalaki ang pagka disgusto. Nasa ganoon silang tagpo ng may kumatok sa bintana ng sasakyan. It was Blaize. Paano nito nalaman na nandoon siya?. "Wait lang. Kakausapin niya ako." aniya sa lalaking kasama niya sa sasakyan. Saka niya pinilit na buksan ang pinto njyon. Nilingon niya ito, ngunit nanatili pa rin itong nakatingin sa kanya. "Kakausapin niya ako. palabasin niya ako" isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito. Saka binuksan ang bintana lang ng sasakyan. "Blaize, tulungan mo ko!. Buksan mo ang pinto or lalabas ako sa bintanang ito" walang ekspresyon ang mukha ni Blaize na tumingin sa kanya at sa halip ay binalingan ang lalaking kasama niya sa sasakyan. "Pwede bang alisin mo na ang sasakyan mo. Hindi ako makalabas" kaagad na lumipad ang kilay ng lalaking katabi niya. Sumunod niyang narinig ay ang pagputok ng kung anong bagay sa paligid. Hindi na niya namalayang nawala na pala si Blaize sa harapan niya ng mga oras na iyon. "Now, I want you to sit there at wag magsalita! Ayoko ng maingay!" sambit ng lalaking katabi niya. Kaagad naman niyang sinunod ang sinabi nito ng walang pagdadalawang isip at walang kahit na anong pagtutol. She literally followed what he said. "As long as you're mine! gagawin mo ang gusto ko at iyon lang ang tanging paraan, upang manatili kang buhay." anito sa kanya. Kasabay ng malakas nang malakas na pagtibok ng puso niya nang mga oras na iyon. At that moment ay nagsimula na siyang maniwalang totoo talaga ito, at naka kontrata siya sa isang makapangyarihang nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD