Nagising si Gabrielle sa maliwanag na sikat ng araw na tumama sa mismong mukha niya. Kaagad niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang palad. Saka niya dahan, dahang iniunat ang katawan mula sa pagkakahiga sa kama. "Gab. Anak! Kakain na tayo. Ay nako tanghali na pero natutulog ka parin" Pumasok mula sa kwarto ang Mama niya. Nilawakan pa nito ang bukas ng bintana niya dahilan upang mapilitan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. "Ma!. Mamaya pa ako babangon!." Reklamo niya sa babae, ngunit hindi ito nakinig sa kanya at sa halip ay tinungo pa nito ang isang bintana niya at binuksan iyon. "Bumangon ka na. Nasa baba na si Blaize. Hindi ka ba nahihiya? Alam ko namang fiance mo siya and you two are getting married soon. Pero as a professional under ka pa rin sa kanya sa kompanya" B

