CHAPTER 18

1124 Words
Naihilamos ni Anthoine ang mga palad sa mukha niya. Napatingin siya sa pinto, kalalabas lang ni Urduja. Gusto niya itong sundan, pero mas maraming importanteng bagay ang higit na nangangailangan ng kaniyang oras at atensiyon. And even if he tried to explain it to her, she wouldn’t understand. Hindi siya nito maiintindihan. His line of work was too complicated for a simple woman like her. Kaya imbes na aksayahin niya ang oras sa pagbibigay ng eksplanasyon dito ay mabuting lumabas na lamang ito para mas makapag-isip siya nang tuwid at maayos. Muli niyang pinaraanan ng masusing tingin ang mga dokumentong may kinalaman sa mga naging pag-uusap nila ni Mr. Ferrer. Umigting ang panga niya at mariing kumuyom ang kaniyang mga kamao—sa sobrang diin ay lumitaw na ang mga ugat sa likod ng kaniyang mga kamay. Gustong sirain ng kampo ni Mr. Ferrer ang reputasyon niya. Napasulyap ulit siya sa screen ng kaniyang work tablet. Naka-display doon ang artikulong umiikot ngayon online at nangunguna sa hot search. Ang nakasulat doon: ‘Authorities are investigating a multi-billion-peso condominium laundering network. Documents obtained by our network show the repeated involvement of celebrity acquisitions lawyer Atty. Anthoine La Guarcho.’ Kalakip ng artikulo ang litrato niya, logo ng kaniyang firm, at mga kopya ng dokumentong nagpapakita ng mga pirma niya. “F*ck,” matigas niyang pagmumura. Maruming maglaro ang kaaway niya. Ang tina-target ng mga ito ay ang imaheng matagal na panahon niyang inalagaan, at pinaparatangan siya ng mga bagay na labag sa kaniyang prinsipyo—bilang abogado, at bilang tao. Tumunog ang cellphone ng binata. Unknown number calling… Hindi nakarehistro ang numerong iyon. Kumuyom ang kamay niya sa hawakan ng aparato. Dinala niya iyon sa tainga. Hindi siya nagsalita, gusto niya lang pakinggan ang nais sabihin ng taong nasa kabilang linya. “Attorney! Si Ferrer ito!” pakilala nito sa sarili, na binuntutan pa nito ng tawang mapanuya. “I know,” malamig niyang tugon. “’Di ba, ang sabi ko sa iyo, kapag tumanggi ka sa gusto naming ipagawa, hindi mo magugustuhan ang puwede naming gawin sa iyo?” Iyon lang at pinutol na nito ang tawag. Nagtagis ang bagang ni Anthoine, na halos mabasag na ang mga ngipin niya. Kulang ang sabihing nagpupuyos siya sa galit. He wasn’t afraid, he was not intimidated—he was furious. Ang lakas ng loob ng mga ito para idawit ang pangalan niya sa maling gawain. Malinis ang trabaho niya, ngunit dinudungisan ng mga ito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinisil ang tulay ng kaniyang matangos na ilong. He felt exhausted. Pero habang nakasarado ang kaniyang mga talukap, mukha ni Urduja ang lumitaw sa isipan niya. Muli siyang nagmulat at mabilis na tumayo. Kailangan niya sigurong kausapin ang dalaga. Naglalakad na siya patungong pinto nang muling tumunog ang cellphone niya. Text message galing sa numerong hindi rin pamilyar sa kaniya. Pinindot niya iyon at binasa. ‘I’m Dolina. You don’t know me… yet. But I can help you. Let’s meet.’ Nakasulat ang address kung saan nito gustong magkita sila. Wala siyang balak mag-reply sa mensaheng iyon. For all he knew, it could be a trap. Baka parte iyon ng bitag na inilatag ng kalaban para sa kaniya. Ibababa na sana niya ang aparato nang muli niyang narinig ang tunog ng message notification. Minasdan niya ang screen. One new message received. Binuksan niya ang inbox. ‘I know you don’t trust me. Hindi kita pipiliting paniwalaan ako. I just want to tell you that I know your enemies like the back of my hand.’ Lalong tumigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Sa puntong iyon, mahirap magtiwala. Gayunman ay nabulabog pa rin ng mensaheng iyon ang isipan niya. Nang magawa niyang lumabas ng kuwarto ay kaagad niyang nakita si Urduja na nakaupo sa sofa. Nakayuko ang ulo, pisil-pisil nito ang mga daliri. Napaungol siya. Wala na siyang lakas para palubagin ang loob ng babaeng nagtatampo sa kaniya. Pagod na ang utak niya. Ang dami niyang iniisip. Gusto niyang huminga kaya nagpasya siyang lumabas na lang muna. Hawak na niya ang doorknob ng pinaka-pinto ng condo nang mabilis na lumapit sa kaniya si Urduja. Kumapit ito sa tela ng damit niya sa likod. Lumingon siya rito. “Let go,” aniya rito. “S-saan ka pupunta?” mahina nitong tanong. “I just need to breathe.” “Isama mo ako.” “No, Urduja. I need to be alone. I want to be alone.” “Pero gusto kitang makasama—” “And I said no,” matigas niyang bigkas. “Bakit ayaw mo?” Napabuntong-hininga si Anthoine, nakukunsumi. Nasapo niya ang ulo, ramdam niya ang pagkirot ng ugat niya sa sentido. Nang makita ng dalaga ang pagtigas ng ekspresyon sa mukha niya ay tuluyan na itong napahikbi. Tuluy-tuloy ang pag-iyak nito hanggang sa napuno na ng luha ang namumula nitong mga pisngi. Mukha na itong sisiw na nahiwalay sa nanay. And he didn’t like it. When she acted like this, it only made him feel that the age gap between them was too wide. Na para pa rin itong batang walang muwang. “Señorito, isama mo na ako. Please po,” sumamo nito. Umigting ang panga niya. “I need to meet someone. Importanteng tao. Kaya hindi ka puwedeng sumama sa akin,” sabi na lang niya kahit hindi pa pinal ang desisyon niyang makipagkita sa nagpakilalang Dolina sa text message. Namilog ang mga mata nito, nagsasayaw ang kislap ng luha. “S-sino po? B-babae?” “Yes,” walang ligoy niyang tugon. Bumakas ang inseguridad sa inosenteng mukha ni Urduja. Mas humigpit pa ang pagkakakapit ng mga kamay nito sa tela ng damit niya. “Bakit kailangan mong makipagkita sa babae?” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Why not? I have female clients, female colleagues, and female friends. This isn’t the first time I’m meeting a woman.” “Pero—” “Urduja! Hindi na ako natutuwa sa inaakto mo ngayon.” Bumaba ang malamig niyang tingin sa mga kamay ng babae na nakakapit pa rin sa damit niya. “Your hands, let go,” mariin niyang utos dito. Napilitan itong bumitiw. Pinagsalikop nito ang mga kamay, na tila nagmamakaawa. “Please po, Señorito, huwag mo akong iwanang mag-isa rito.” She was begging him, the glint in her eyes was weak. Tila aandap-andap na ilaw sa isang lumang gasera. “Ayusin mo ang sarili mo, Urduja. Kung ipipilit mo pa ring sumama sa akin, baka ibalik na lang talaga kita sa poder ng mga magulang ko,” magaspang niyang wika. Nandilat ang mga mata nito. Nahigit nito ang paghinga. “G-gusto mo pa rin akong itaboy?” “If you don’t want that, then behave. And don’t act like a child.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD