CHAPTER 10

1373 Words
Napahugot ng malalim na paghinga si Anthoine. Padapa siyang nakahiga sa kama. He was naked from the waist up. Nakasubsob ang mukha niya sa unan, ngunit halos wala siyang maayos na tulog. Paano’y kada ipipikit niya ang mga mata ay tila multong bumabalik sa utak niya ang insidenteng nangyari sa kaniyang opisina. Inuusig siya ng kaniyang konsensiya lalo na’t minasahe siya ni Urduja upang mapalis ang pagkirot ng ulo niya, subalit masasamang salita ang isinukli niya rito. Was he too rude to her? Nasobrahan ba ang pagsusungit at pagsusuplado niya sa dalaga? Hindi niya maintindihan kung bakit naging ubod ng gaspang ang naging reaksiyon niya rito noong nasa opisina sila. He panicked. Nabigla siya na tila labis pala siyang humahanga sa kagandahan nito. He thought it was dangerous, not good for him, so he reacted too strongly. Mali siya. Napabuntong-hininga ang binata. Sana ay nagalit na lang sa kaniya si Urduja. Sana ay nagmaldita rin ito. Mas okay sana kung gano’n. Sana ay umiyak na lamang ito at nag-demand na ibalik na lang niya ito sa bahay ng kaniyang mga magulang. But no, she chose to stay with him. Ayaw pa rin nitong umalis kahit alam niyang nasasaktan ito sa malamig at matalim na pakikitungo niya rito… sa pambabalewala niya rito. Why did she have to be so forgiving? Bakit tinatanggap nito ang kaarogantehan niya? He groaned. Ilang araw na ang lumipas, pero pareho pa rin ng dati ang mga kilos nito. Hindi ito nanlamig sa kaniya. Sa umaga, paglabas niya ng kuwarto, ay may nakahanda nang green juice para sa kaniya. Subalit hindi siya nito pinipilit na inumin iyon. Nasa kaniya ang pagpapasya kung kukunin niya iyon sa fridge o hindi. It was up to him whether to drink it or not. And most of the time, he did. Napaungol siya at mas idiniin ang pagkakasubsob ng kaniyang mukha sa unan, pero hindi naglipat-minuto ay bumangon na siya. Absentmindedly, he stepped out of his room, still bare from the waist up. Nakalimutan niyang magsuot ng T-shirt dahil lumilipad ang diwa niya. Si Urduja na nasa kusina ay umawang ang mga labi nang mapatingin sa kaniyang dako. “S-señorito.” Napalunok pa ito. Kitang-kita ni Anthoine ang paggalaw ng tapat ng lalamunan ng dalaga. “What?” tanong niya, nagsasalubong ang kilay. Nag-iwas ito ng tingin upang itago ang pamumula ng mukha nito. But he saw it already. Nakita na niya. She was very red. Her cheeks were very red. Kaya mas lumalim ang paghuhugpong ng mga kilay niya. “Señorito, w-wala ka pong T-shirt,” anito, mahina ang tinig. “T-shirt?” Saka niya lang naalalang hubad nga pala siya mula baywang pataas. Muli siyang napatitig sa dalaga. Ang inosente nitong reaksiyon sa katawan niya ay naghatid ng kakaibang init sa mga kalamnan niya. F*ck, pipi niyang pagmumura. Dali-dali siyang bumalik sa loob ng kuwarto at isinandal ang likod sa nakapinid na dahon ng pinto. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin at bumaha ang malulutong na mura mula sa bibig niya nang matiyak na nag-react ang pagkal*laki niya kay Urduja. This is wrong! hiyaw ng utak niya. “Mali ito. I shouldn’t feel this way,” mariin niyang paalala sa sarili. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Alam niyang maganda ang dalaga, but beauty was never important to him. Hindi siya minsan man naakit sa magandang mukha ng mga babaeng nagsisikap na mapansin niya. So, why was he reacting differently to Urduja? Ano ang mayroon ito na wala ang iba? Kailangan na talaga niya itong ibalik sa mga magulang niya bago pa siya makagawa ng isang bagay na pagsisisihan niya. Sa muli niyang paglabas ng kuwarto ay nakabihis na siya. Si Urduja na nasa sala at nakaluhod sa sahig, nagpupunas ng center table, ay nag-angat ng mukha. Tumingala ito sa kaniya. Hindi maayos ang pagkakapusod ng buhok nito, at maraming hibla ang nasa magkabilang gilid ng maliit nitong mukha. She was sweating. Katunayan niyan, ang neckline ng kulay berde nitong blusa ay basa na ng pawis. Again, his body reacted! Tumiim-bagang siya. Gusto na naman niyang murahin ang sarili. “May gusto ka po bang i-utos sa akin, Señorito?” tanong nito. “Tumayo ka riyan,” malamig niyang utos dito. “Hindi ka kasambahay dito. Hindi mo dapat ginagawa iyan.” “H-hindi po kasi ako sanay na walang ginagawa sa bahay. Ehersisyo ko na rin ang paglilinis.” “Doon mo gawin iyan sa bahay ng mga magulang ko.” “Po?” Namilog ang mga mata nito, parang nahuhulaan na nito kung ano ang sunod niyang sasabihin. “Pack your things. You’re going back to my parents’ house today.” May pinalidad ang tono ng kaniyang tinig. “B-bakit ho? M-may nagawa na naman ho ba akong hindi mo nagustuhan?” Nabasag ang boses ng babae. Nanubig ang sulok ng mga mata nito. “I just… I just don’t want you here anymore.” Malinaw na gumuhit ang sakit sa anyo ng mukha ni Urduja. “Señorito, kung tungkol pa rin ho ito sa nangyari sa opisina—” “No, it isn’t just about that incident.” “Eh, ano po ang dahilan?” “Marami. I don’t like that you prepare green juice for me every morning. I don’t like that you clean the unit. And when I look at you, I’m always reminded of the arranged marriage my parents are forcing on me.” Tumayo ito at muntik pang bumigay ang mga binti nitong marahil ay nanlalambot nang mga sandaling iyon. Ang kanina’y panunubig ng mga mata nito, ngayon ay naging masaganang luha na—na walang ampat ang pagdaloy sa namumula nitong mga pisngi. Umigting ang panga ni Anthoine. Ngayong nakikita niyang umiiyak ito, bakit parang gusto niyang kastiguhin ang kaniyang sarili? May kasama nang pagsinok ang walang tigil nitong pag-iyak. “Stop crying,” aniya. Deep inside him, he wanted to comfort her, to apologize. Pero may isang bahagi ng utak niya ang nagmamatigas at nagbubulong na hayaan lang itong umiyak. “Iligpit mo na ang mga gamit mo para maihatid na kita sa—” Tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa at tiningnan ang pangalan ng caller na rumehistro sa screen. It was a call from the office. Sinagot niya ang tawag at pinakinggan ang nasa kabilang linya. Kailangan siya sa opisina—naroroon si Mr. Ferrer at nais siyang makausap tungkol sa kuwestiyonableng property acquisition. “I need to go.” Hindi ito umimik. “Tumahan ka na riyan. Dito ka na muna. Mag-usap ulit tayo bukas,” aniya. Ayaw naman niyang sabihing mag-taxi ito. Hindi nito kabisado ang lugar niya at baka maligaw pa ito. Muli niyang pinagmasdan ang luhaang mukha ng dalaga. Bumuntong-hininga siya at tinalikuran na ito. Naghanda na siya at nagbihis. Paglabas niya ng kuwarto, wala sa sala ang dalaga. Nagkulong ito sa loob ng kuwarto nito. Mabuti ngang sumama ang loob nito sa kaniya para tuluyan na nitong tuldukan ang ideya na may posibilidad pang magkatuluyan sila. Nagtungo na siya ng opisina. Pero kahit kaharap niya si Mr. Ferrer ay hindi siya makapag-focus. Lumilipad ang isipan niya. Napansin iyon ng kliyente. “May iba ka yatang iniisip, Atty. La Guarcho,” komento nito. Imbes na itanggi iyon ay pormal siyang tumango. “I think we should reschedule this meeting for another time,” aniya. “Sure. Tawagan mo ako.” Nagpaalam na ang kliyente kahit bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang disgusto at disappointment. Kahit si Anthoine mismo ay disappointed sa sarili niya. Kahit kailan, hindi pa siya nawala sa sarili. Ngayon pa lang. Siguro, dahil kinakain siya ng konsensiya. Yes, that must be it. Walang ibang dahilan maliban do’n. Nang makaalis na si Mr. Ferrer ay sinubukan niyang itutok sa trabaho ang buong atensiyon, subalit inabot na lang siya ng alas siyete ng gabi, wala pa rin siyang nagagawang makabuluhan. His day wasn’t productive, and he hated it. Marahas niyang ikinuyom ang mga kamay at inihilamos ang mukha sa mga palad. Sobra siyang napu-frustrate. “I’m going home,” sa wakas ay anas niya. “Urduja and I need to talk. I need to make her understand that going back to my parents’ house is best for her,” aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD