CHAPTER 4

1266 Words
Gusto nang hatakin ni Anthoine si Urduja papasok ng kotse para makaalis na sila. Paano’y halos kinse minutos na silang nakatayo sa tapat ng pangunahing pinto ng malaking bahay ng kaniyang mga magulang. Pisil-pisil pa rin nang mahigpit ni Anita ang mga kamay ng dalaga. Ang daming pinapaalala ng ina niya sa babae. “Basta, hija, huwag na huwag mong kakalimutan ang sinabi ko sa iyo, ah? Kapag pinagsalitaan ka ng masama o pinakitaan ka ng kaarogantehan ng anak ko, itawag mo agad sa akin. Magsumbong ka.” Gumuhit ang mainit at payak na ngiti sa mga labi ni Urduja. “Tingin ko naman ho, mabait si Señorito Anthoine.” Pasimple pa itong lumingon sa dako niya bago nito ibinalik ang tingin sa ginang. “Alam kong maayos ang magiging pakikitungo niya sa akin, Señora,” anito. “Ano bang ‘Señora?’ Mama ang itawag mo sa ak—” “Ma,” marahang pagsaway ng binata sa ina. “Baka gusto mo na lang ampunin iyang si Urduja, puwede rin naman iyon,” suhestiyon niya. Inignora lang siya ng magulang. Nakatuon pa rin ang buong atensiyon nito sa kaharap. “Huwag kang magtitiwala sa nakikita lang ng mga mata mo, hija. Mukhang mabait lang iyang anak ko, pero suplado iyan. Minsan arogante pa at madalas ay masungit.” Napahugot siya ng malalim na paghinga at tumingin sa suot na wristwatch. “Ma, lumalalim na ang gabi. May kakausapin pa po akong mahalagang kliyente bukas ng umaga. Kailangan ko na pong umuwi,” marahan niyang wika. “Huwag mo akong inaapura, Anthoine,” aniya. Sampung minuto pa ang dumaan bago sila tuluyang nakalabas sa propiedad ng kaniyang mga magulang. Sa loob ng sasakyan, walang maririnig maliban sa paghugot ng hangin ng dalaga. Batid niyang naiilang ito lalo na’t hindi niya ito kinakausap. Wala siyang balak na kausapin ito. Hindi siya apektado sa nakabibinging katahimikang may kahalong tensiyon. And if the silence wasn’t uncomfortable for him, why would he break it? The quiet felt good. Si Urduja ang hindi nakatiis. Tumikhim ito. Sa gilid ng mga mata ng binata, nakita niyang lumingap sa kaniya ang babae. Tumingin ito sa mukha niya, pero hindi siya nag-abalang tumitig dito pabalik kahit mabilis lang. Nakapako sa kalsada ang mga mata niya. He pretended not to notice what he caught in his peripheral vision. “Ahm, Señorito Anthoine,” mahina nitong bigkas sa pangalan niya. “Hmm?” tanging tugon niya. “O-okay lang ho bang sa poder mo ako manatili?” tanong nito. “Ngayon mo pa talaga naisipang itanong sa akin iyan?” Hindi niya naitago ang paglingkis ng sarkasmo sa tono ng boses niya. “You’re sitting in my car now, and we’re already headed to my place. Kung sasabihin ko bang hindi ako sang-ayon sa ideyang ito, papayag ka bang ibalik kita sa bahay ng ina at ama ko?” Hindi kumibo ang dalaga. “I guess that’s a ‘no.’” Pumalatak siya. “Why do you even want to stay with me?” “G-gusto ko lang ho,” anito. “Sa Siquijor pa lang ho kasi, palagi ka nang ikinukuwento sa akin ni Lola Apolonia. Pagdating ko naman dito sa Maynila, madalas ka ring ibinibida nina Señora Anita at Señor Alonso.” “Wow, I had no idea I was advertised that well. No wonder you became so interested.” Bahagya siyang sumulyap sa dalaga. Mabilis na mabilis lang. Ibinalik niya rin agad ang tingin sa harapan. “Interesado ka nga ba sa akin, Urduja? May gusto ka ba sa akin?” walang ligoy niyang tanong. “Ahh, uhm…” Wala itong mabuong isasagot sa kaniya hanggang sa itinikom na lang nito ang bibig at piniling manahimik. “That’s a ‘yes,’ for sure. Kung hindi ay mabilis namang umiling o sabihing hindi ka interesado. A pause or any sign of uncertainty is just a ‘yes’ you couldn’t say out loud. Silence acts as confirmation, Urduja.” Pormal na pormal ang himig ng tinig niya, na para bang kliyente ang kaniyang kausap at hindi disiotso anyos na dalaga. “H-humahanga naman ho talaga ako sa ’yo, Señorito,” matapat nitong wika makalipas ang mahabang sandali. “Naisip ko, nasa wastong gulang naman na ako, at kung may lalaki akong gustong mapangasawa, nais kong ikaw na po sana iyon.” Sa sinabing iyon ng babae ay bigla niyang naidiin ang paa sa brake pedal. Sumagitsit ang gulong sa kalsada, at muntik pang humagis ang mga katawan nila sa harap, mabuti na lamang at may suot silang seatbelt kaya hindi sila sumubsob sa dashboard. Gayunman ay bumalatay pa rin ang matinding pagkabigla sa maamong mukha ng dalaga. Muling pinatakbo ni Anthoine ang kotse. Kinabig niya ang manibela pagilid at pumarada sa tabi ng malapad na daan. Seryoso siyang humarap sa babae. “And I already told you that we are years apart. Hindi ako ang para sa iyo.” “M-marami naman hong nagkakatuluyan kahit malaki ang agwat ng edad nila.” “Sila iyon. Iba ako. I want a partner closer to my age. Isa pa, magkaiba ang mundong ginagalawan natin, Urduja. Don’t get me wrong. Hindi ko hinahamak ang payak at simpleng pinagmulan mo. There’s nothing wrong with that. What I mean is, my world is too complicated for someone as simple and innocent as you are.” “Kaya ko pong mag-adapt. Sa resume ko po, palagi kong sinusulat na highly adaptive po ako. Totoo po iyon. Hindi ko iyon kinopya lang sa internet para may maitipa lang ako sa papel.” He groaned, exhausted. “Hindi trabaho ang pag-aasawa. You can be highly adaptive in the workplace as an employee, ngunit ibang usapan na kung legal na pagsasama ng dalawang tao ang paksa.” “Importante rin naman iyon para madaling magkasundo ang mag-asawa.” “Stop,” pagpapatahimik niya sa babae. His tone was dismissive. “Tingnan mo lang ho ang resume ko, baka may mabasa kang magustuhan mo tungkol sa ak—” “Urduja,” pasita na niyang sambit sa pangalan nito. “I don’t need to see your resume. Hindi ako interesado, okay?” “Pero…” “Listen, wala akong intensiyong pakasalan ka.” Nang marinig iyon ng babae ay sumungaw agad ang mapait na kislap sa mga mata nito. Nagpatuloy si Anthoine. “Kaya lang ako pumayag na manatili ka sa poder ko ay para hindi magtampo sa akin ang mga magulang ko. But after some time, I’ll return you to them—unharmed, untouched. Titira ka lang sa akin pansamantala. Kaya ngayon pa lang, itanim mo na sa utak at puso mo na kailangan mong rendahan ang sarili mo. Don’t fall in love with me, Urduja. I don’t want you to get hurt.” “Nabasa ko na iyan sa mga nobela. Sa bandang huli, naghahabol din ang lalaki sa bidang babae at—” “…at minsan, hindi talaga nagkakatuluyan ang dalawa,” magaspang niyang dugtong sa litanya nito. “There’s a reason you’ve read about it in novels—because it happens in real life. But just because the story you read had a happy ending doesn’t mean you’ll get the same one. Not all stories end with a happily ever after. Sa kuwento, maaaring naghabol nga ang lalaki sa babae, subalit sa totoong buhay, puwedeng tuluyan silang naghiwalay ng landas at wala nang pakialam sa isa’t isa.” Nanubig ang mga mata ng babae. Para itong batang sinabihang hindi totoo si Santa Claus. Napayuko ito. “I’m serious, Urduja. Huwag ako ang mahalin mo. Pumili ka na lang ng iba.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD