Kabanata 2 - Ang unang pagkikita

1017 Words
Hindi naman ako kinakabahan tuwing pumapasok dahil isang buwan na ang nakalilipas simula noong nagsimula ang klase. Sa isang buwan na ito ay hindi ko man lang nasilayan si Rinniel. Kaunti lamang kami kung manamit na katulad ng akin. Talaga namang mayayaman lang ang pumapasok dito. Mayroon din namang mga scholars at provided din ng school ang allowance, katulad ko. Sila mismo ang nag-offer sa akin. Akala ata ay hindi ko kaya ang tuition. Ang maganda naman dito ay sakto para sa akin dahil alam kong hindi ako susuportahan ng aking mga magulang sa kurso na ito. Okay na rin na may sariling pinagkukunan ng pangtustos sa pag-aaral. Kinuha ko ang kursong Information Technology. Si Charlie naman ay Business administration dahil iyon ang gusto ng aming mga magulang. Iyon din ang gusto nila para sa akin para makatulong kay Charlie. Hindi nila alam na iba ang aking kinuha. Pagkarating ko sa classroom ay umupo ako sa pinakadulo. As usual, walang pumansin sa akin. Sanay naman na akong walang kaibigan dahil sa itsura at sa tingin nila na estado ng aking buhay. Iniisip nila na kapag scholar, mahirap lamang. Hindi nila alam na ang school lamang ang kusang nag-offer sa akin dahil ayaw nila akong lumipat sa iba. Natapos ang prelim exams namin. Expected na rin naman nila na ako ang magiging Top 1. Ako rin kasi ang nag-top sa entrance exam para sa IT na course. Mas natutuwa at naiintriga pa nga sila kung sino ang top 2 sa course namin. Nilalaro ko lang ang aking ballpen sa aking mga daliri habang nakikinig sa aming guro. Nasa tabi lamang ako ng bintana kaya tanaw ko ang mga naglalakad sa hallway. Halos mabitawan ko ang aking ballpen noong dumaan ang lalaking matagal ko nang hinahangaan. Ang tagal kong umasa na masikayan siya, ngayon ay nangyayari na nga. Hindi ko talaga maide-deny sa aking sarili na kakaiba ang dating niya. Ngayon lamang ako humanga sa isang artista kaya pinilit ko na sa pagmamay-ari nilang school ako pumasok. Mabilis ako na lumabas ng classroom pagkatapos ng klase. May dalawang oras pa ako na bakante bago ang susunod na klase. Sinundan ko naman kung saan pumunta sila Rinniel. Nagtatago ako sa likod ng mga poste para hindi nila ako makita. Nakakunot ang noo nito at mukhang may binabasa sa kanitang cellphone. Napangiti ako dahil nag-send ako ng mensahe sa kaniya na ang gwapo niya. Hindi niya alam na ako ang may-ari ng number na iyon. Nakuha ko lamang ang number niya dahil nagtanong ako sa Dean ng Engineering Department. Kilala naman niya ako dahil kaibigan siya ng aking mga magulang. Hinayaan niya akong gumamit ng ibang pangalan at siya na ang bahala mag-asikaso sa mga papeles ko. Alam niya rin na isa ako sa mga humahanga kay Rinniel. "Another fan?" tanong ng kasama ni Rinniel. Kung hindi ako nagkakamali, si Ken iyon. Ibinalik lamang ni Rinniel ang kaniyang cellphone sa bulsa na parang walang nangyari. Akmang pabalik sila patungo sa aking pwesto. Napasandal ako sa pader para magpanggap na wala akong pakialam sa presensiya nila. Kunwari ay may binabasa ako ako sa aking dalang libro. Sa gilid ng aking paningin, napansin ko na napalingon sila sa akin. Ilang saglit lamang ay nawala na sila sa paligid. Nakarating na rin ako sa Engineering Building para makita ulit siya. Bigo ako na makita siyang muli. Nagsimula akong maglakad pabalik sa aming building. Kahit papaano ay kailangan kong mag-aral nang mabuti. Si Rinniel ay pangalawang taon na sa kursong Engineering. Iyon sana ang gusto kong kunin na kurso ngunit ayoko naman ialay ang future ko para lang makasama at makita siya. Gusto ko lang talaga ang IT na course, tutal magaling din naman akong mang-stalk ng mga tao. Habang wala akong ginagawa ay pumunta muna ako sa library. Nagsimula akong maggawa ulit blog, na kung saan ay ako lamang ang makababasa. Sinusulat ko ang mga pangyayari na nakita ko si Rinniel. May plano ako na gumawa ng article tungkol sa kaniya kaya kailangan ko pang kumuha ng magandang detalye tungkol sa kaniya. Itinago ko na ang aking laptop. Nakaramdam ako ng antok kaya dapat ay umalis na muna ako sa library. Masyadong malamig kaya ganito ang aking nararamdaman. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko si Rinniel sa tapat ko. Parang may hinahanap siya na libro. Sinadya ko na umupo sa tapat ng mga libro patungkol sa engineering subjects para mas may chance na makita ko siya. Lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Naisipan kong tumayo na at umalis dahil baka mapagkamalan niya akong paparazzi niya. "Nerd," bulong niya sa akin. Napataas ang aking kilay. Minabuti ko na lamang umalis. Medyo nadismaya ako sa sinabi niya. Ganoon din pala ang tawag niya sa akin. Noong mag-awasan na ay naglakad-lakad muna ako sa University. Nakita ko ang aking kapatid na pinagpipiyestahan ng mga babae. Kita kong irita na irita na si Charlie pero pinipilit niya pa rin ang ngumiti. Para na rin siyang katulad ni Rinniel na pinapantasya ng mga estudyante rito. Kinuha ko naman ang phone ko para magpaalam kay Charlie. "Hindi ako sasabay sa pag-uwi, Charlie. Nagpasundo na ako kay Manong. Huwag mo na rin ako hintayin palagi. Enjoy being famous!" saad ko habang nagbo-voice record ako. Nag-send na rin ako ng mensahe sa kaniya para hindi na niya kao hanapin mamaya. Dumiretso na ako palabas ng gate. Katulad ng aking mga ginagawa noon, naglalakad lamang ako para kitain ang driver namin sa may malapit na paradahan. Mga tatlo hanggang limang minuto lang naman ang aking nilalakad papunta roon. Ayokong isipin ng mga estudyante na kung sinu-sino lamang ang sumusundo sa akin. Pagkapasok ko sa sasakyan ay tinanggal ko agad ang eyeglasses ko, pati na rin ang kulorete sa aking mukha para magmukha lalong nerd. "Ma'am Mori, hindi po ba kayo napapagod sa ginagawa ninyo?" tanong ng aming driver. Ngumiti ako sa kaniya. Sagot ko, "Hindi naman po. Ginusto ko po ito kaya talagang paninindigan ko kahit na magmukha akong pangit sa mata ng lahat." Kapag ginusto ko, talagang paghihirapan ko na makamtan ito sa tamang paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD