Papunta na kami ni Charlie sa Singapore. Kung tutuusin ay imbes na maging excited ako, lalo lang akong nawawalan ng gana. Mas gusto ko pa sa Pinas magbakasyon, marami pang magagalaan. Halos napuntahan ko na ata ang magagandang lugar sa Singapore. Si Charlie ay mahimbing ang tulog. Buti pa siya ay kalmado lang. Samantalang ako ay kabado pa rin sa pagpaalam ko kay Rinniel. Sana hindi siya magtaka kung bakit nagbakasyon si Mori sa ibang lugar. Maya-maya ay nakarating na kami sa airport. Ginising ko pa si Charlie para makababa kami. Sinundo kami ng mga bodyguards namin dito. Malamang ay busy pa rin ang mga magulang namin sa business kaya hindi sila ang personal na pumunta rito. "Para kang nalugi sa itsura mong iyan, Chanel. Huwag ganiyan ang ipakikita mong itsura mamaya pagkakita natin sa

