“PAPASOK ka na?” usisa ni Bettina kay Raiden nang tumayo ito pagkatapos kumain. “Hindi pa. May gagawin pa tayo kaya tumayo ka na diyan. Tapos ka na rin namang kumain, hindi ba?” Tumango si Bettina. Nagpunas pa siya ng bibig bago siya tumayo. Hinawakan ni Raiden ang kamay niya at sabay silang umalis ng hapagkainan. “Sir, huwag mo na akong hawakan. Sasabay na lang ako sa iyo,” ani Bettina. Naasiwa siya na hinahawakan ni Raiden, para naman kasi siyang bata sa ginagawa nito. “No. Hawakan na kita para sabay na tayo. Ayoko kasing naghihintay nang matagal lalo na at mas mabilis akong maglakad kaysa sa iyo,” seryosong sabi ni Raiden. Wala nang nagawa si Bettina kaya napasimangot na lang siya. “Anong gagawin natin diyan?” nagtatakang tanong niya nang mapansin na dumiretso sila sa kuwarto n

