Chapter 45 - Unexpected Threat

1233 Words

HALOS malaglag ang puso ni Bettina nang makita kung sino ang bisitang tinutukoy ni Nanay Digna. Ang dalawang taong nasa harapan niya ngayon ang pinakahuling taong gusto niyang makita ngayon. “Daddy, Mommy!” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya pagkakita sa mga nakalakhang mga magulang niya. Humalik siya sa pisngi ng mga ito. “P-paano k-kayo nakarating d-dito?” “Hey! Ngayon lang tayo uli nagkita, iha? Bakit ganyan naman ang tanong mo sa amin? Hindi ba kami welcome sa bahay na ito?” nakangising tanong ng daddy ni Bettina. Ipinilig ni Bettina ang kanyang ulo. “H-hindi ko lang k-kasi kayo i-inaasahang p-pupunta rito. P-paano n-ninyo nalaman ang l-lugar na ito?” Nagkatinginan ang mommy at daddy niya. “Kukumustahin ka lang namin. Hindi mo na kasi kami dinalaw mula noong isinama ka ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD