“MAGLISTA ka na,” utos ni Raiden kay Bettina nang ilapag nito ang sign pen at notepad sa harapan ng dalaga. Napakunot naman ang noo ni Bettina. Napatitig siya kay Raiden na noon ay nagpupunas ng buhok dahil kalalabas lang nito ng banyo. Siya naman ay kanina pa nakaligo at ngayon ay nakaupo na uli kung saan sila kumain. Paglabas niya kanina mula sa banyo ay nadatnan niyang malinis na ang mesa kaya pumuwesto siya uli roon. “Anong ililista ko riyan?” “Iyong detalye ng kasal natin. Ilista mo na lahat ng gusto mong mangyari sa kasal.” Namilog ang mga mata ni Bettina. “Kasal na agad? Hindi pa nga ako pumapayag, eh. Mag-propose ka muna nang maayos.” Inaasahan ni Bettina na tatanggi si Raiden sa gusto niyang mangyari. Pero iba ang naging reaksyon ng binata. “Oh, wait! May kukunin lang muna a

