“DON’T TALK,” pabulong na utos ni Raiden nang nasa loob na sila ng sasakyan. Nakaupo sila sa dulong bahagi ng SUV. Nasa unahan si Railey kasama ng driver. Samantalang ang dalawang taga-NBI kasama na ang abogado ay nasa gitna. Huminga nang malalim si Bettina. Gusto niyang umiyak pero umurong ang luha niya nang mapansin na may inilabas si Raiden mula sa bulsa ng pantalon nito. Akmang magtatanong siya ngunit matalim ang mga matang nilingon siya ng binata. Kaya hindi na siya umimik. Pinanood na lang niya itong tinutupi ang puting panyo nito. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang itinali ni Raiden sa bibig niya ang panyo. Bago pa siya makpagprotesta ay inilapit nito ang mukha sa kanya. “I told you to keep quiet so do as I say. Ayaw mo naman sigurong masaktan ka, hindi ba?” anas nito s

