TINOTOO nga ni Raiden ang sinabi nitong iiwasan na si Bettina. Mula nang araw na iyon hindi na nagparamdam ang binata sa dalaga. Wala nang dumarating sa opisina na bulaklak, chocolate o anuman. Samantalang sa nakalipas na taon ay halos araw-araw na nakakatanggap siya ng mga bulaklak at ng chocolate. Dati-rati tumatawag din sa kanya si Raiden dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Kadalasan ay ibinababa niya agad ang telepono kapag nalaman niyang ito ang tumatawag. Pero ngayon hindi na ito tumatawag o nangungulit. Ang tahimik na ng telepono sa tabi niya. Tanging ang tawag mula sa boss niya, sa mga kliyente, at iba pang mahahalagang tao ang dahilan kung bakit tumutunog ang telepono. Hindi malaman ni Bettina kung bakit siya nalulungkot o nanghihinayang sa mga nangyayari sa kanya n

