Chapter 17 - Someone To Love Me

1240 Words

“YAYA, hindi po ako makakauwi sa weekends. May teambuilding po kasi kami sa Huwebes hanggang Sabado. Kung pipilitin ko pong umuwi, siguradong mapapagod lang ako,” pagpapaalam ni Bettina kay Yaya Teresa. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga gamit niya pabalik ng Subic. “Bakit ba kasi umuuwi ka rito? Naroon ka na nga sa malayo gusto mo pang bumalik dito. Dapat magpakalayo-layo ka na. Huwag mong hayaan na habang panahon kang inaapi ng mga magulang mo,” payo ni Yaya Teresa. “Yaya! Ano bang pinagsasabi mo?” naiiskandalong tanong ni Bettina. Hinaplos ni Yaya Teresa ang ibabaw ng ulo niya. “Anak, bata ka pa lang sinasaktan ka na ng mga magulang mo. Hindi ka pa ba nagsasawa sa p*******t nila? Matanda ka na. Bakit hindi mo pa sila iwan? Bakit hindi ka pa tuluyang lumayo? Ano pa bang hinihintay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD