Chapter 15 - Her Camouflage

1174 Words

“SORRY, I’m late,” humahangos na wika ni Bettina nang makarating siya sa opisina ng Shipyard. Naabutan niyang nakatayo sa mismong entrance ng lobby si Raiden. Nakapamulsa ang isang kamay nito habang seryosong nakatitig sa kanya. “Bakit ngayon ka lang? Binili mo ang lahat ng laman ng mall? Nagkasya ba naman ang perang iniwan ko kay Nanay Digna?” Huminga nang malalim si Bettina bago niya sinagot ang tanong nito. “May natira pang pera kay Nanay Digna. Ang sabi ko sa kanya ay ibalik na lang sa inyo iyong natira. Damit lang ang binili ko, Sir. Wala na akong binili na iba. Hindi kasya ang per ana ibinigay mo kung bibilhin ko iyong mall,” sarkastikong wika niya. Napangisi si Raiden sa sagot niya. “Bakit gusto mong magkaroon ng mall? Puwede kitang bilhan pero may kapalit.” Napansin ni Bettin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD