Kabanata 15: APAT NA ARAW ANG KATAHIMIKAN Apat na araw. Apat na araw na hindi nagpapakita si Chase sa penthouse. Apat na araw ng tahimik na hapunan, walang mga asaran, walang iritableng sagutan. Apat na araw ng pag-iwas, at hindi niya maintindihan kung bakit may bumabagabag sa kanya. Emma knew this was supposed to be a relief. Dapat masaya siya dahil wala si Chase, hindi niya kailangang makita ang mukha nito o marinig ang mga nakakainis nitong patama. Pero sa tuwing bababa siya sa kusina, sa tuwing mauupo siya sa sofa, sa tuwing daraan siya sa hallway ng unit—pakiramdam niya may kulang. And she hated it. Itinapon niya ang unan sa gilid at bumuntong-hininga. "Ano bang problema mo, Emma? Bakit mo iniisip ‘yon?" Nag-iwas siya ng tingin sa sarili niyang repleksyon sa malaking salamin ng

