“Anika, are you ok?” agad na tanong ni Charlie pagpasok pa lang nito sa loob ng kwarto. Nakaupo ako sa harap ng dresser habang nilalaro laro ang suklay na hawak ko. Umiling ako habang nakayuko bilang sagot dito. ‘Yon naman kasi ang totoo. I’m really not okay. I still can’t believe what I’ve just learned. In all honesty, I really don’t know what to say or feel. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit o maiinis. Pero ano naman ang karapatan ko to feel any of these? It has nothing to do with me kung si Nolan o ang kakambal nito ang ikakasal kay Jessica. “Dear, hindi ka pa ba mag-aayos? Ilang oras na lang at magsisimula na ang wedding. Kanina pa naghihintay sa labas ang make up artist.” I twitched my lip saka tiningnan ito nang masama. “Bakit mo ‘ko ibinigay kay Nolan kagabi?”

