Sinulyapan ko si Mama na abala sa pag-aalis ng mga duyong dahon sa mga tanim niyang halaman. I bit my lips saka umupo sa garden stool na malapit sa kanya. Tumikhim ako dahilan para lumingon siya sa akin. “Oh, wala ka na bang nakalimutan sa mga dadalhin mo? Na-impake mo na ba nang maayos ang mga gamit mo?” tanong nito habang patuloy sa ginagawa. Hindi ko itinuloy ang pag-alis ko na una kong plano noong nakaraang linggo pagkatapos nang nangyari sa amin ni Nolan sa pakiusap na rin nila ni Papa. They asked me to stay for another week more to spend for a memorable family bonding na talaga naman na sinulit namin tatlo. Sayang nga lang at wala pa rin si Jessica. I’m going back to Canada later this evening. Kaya hindi na ako maaabutan pa rito nina Jessica and Johann pag-uwi nila sa sunod na

