Inangat ko ang face shield ng helmet ko. Ano na namang kailangan sa 'kin ng paring 'to at humarang pa sa dinaraanan ko? "What?" Mabuti na lang at nasa gilid ako ng kalsada kaya wala kaming nasasagabal na inang sasakyan. "Kailangan ko ng tulong mo." Na naman?! At tignan mo nga naman 'tong fiery priest na 'to. The last time I check, we we're not in good terms. Sinigawan at inaway niya ako kaganina tapos ngayon? Malumanay na siyang magsalita at hindi na galit. And he's asking for my help? Sa pagkakatanda ko rin sinabi kong hinding-hindi ko na siya tutulungan at itataga ko 'yon sa ngalan ng mafia namin. "Sorry but my schedule is already full. Actually, papunta na nga ako sa meeting place ng ka-meeting ko," I lied at niliko ang manibela pero humarang na naman siya ro'n. "Sagli

