THEY sat in silence while having dinner. Ayaw sana niyang sumabay kay Cyrus dahil bukod sa wala naman siyang ganang kumain—ayaw niya rin sa presensya nito. Ngunit wala siyang choice kundi sumabay na lang. Pero habang nagdi-dinner sila ay pinaglalaruan niya lang ang pagkain sa plato at parang tulala siya dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Iniisip niya pa rin ang kaniyang anak, nag-aalala siya at hindi mapakali, pero wala siyang magawa kundi magtiis muna dahil hindi naman siya puwedeng kumilos agad-agad. At sa klase ng tingin ni Cyrus sa kaniya ay parang hindi na nito hahayaan na maalis pa siya sa paningin nito para hindi na siya mabigyan pa ng pagkakataon makatakas. Ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang magtaka kung nasaan na si Allain. Bakit hindi niya pa rin ito makita sa buong mansy

