LOVIE's POV HINDI madali ang malaman ang katotohanang sarili kong kaibigan ang siyang nagtraydor sa akin. Labis akong nag-aalala sa kapakanan ng aking anak. Mabuti na lamang at maagap si Sandro at agad nitong na-trace up ang kinaroroonan nina Eula at Marie. "Are you still not going to sleep?" Nag-angat ako nang tingin at sinalubong ang seryosong mukha ng aking asawa. "Hindi pa ako inaantok, dito ako matutulog sa kwarto ni Marie." "Don't you notice?" Kumunot ang aking noo sa narinig mula sa aking asawa. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "From the expression on Eula's face, it is evident that she feels a deep sense of regret. Do you think it is genuine?" "Hindi ko alam, pero hindi na magbabago pa ang desisyon ko at paninindigan ko iyon. Mabubulok siya sa kulungan," mahina kong sagot pero

