LOVIE "PWEDE ba huwag kang magpadala sa paawa effect ng babaeng ito. May plano ako sa kanya. Hindi ba't ayaw niyang makulong? Well, pwede siyang maging muchacha ni Tita Phila, how about that, Tita Phila?" Mataray na suhestiyon ni Eula kay Mommy na agad din nitong sinang-ayunan. Tigagal ako sa narinig mula sa bibig ng maldita kong kaibigang si Eula. Talagang nagkaintindihan ang dalawa. Naawa ako kay Ms. Salazar. Mukhang hindi pa naman sanay ito sa mga gawaing bahay. "Pero Eu—" "Enough, Lovie!" Putol ni Eula sa sasabihin ko pa sana. "Tatanggapin ko," nakayukong sagot naman ni Ms. Salazar. "Kitams, huwag mo kasi siyang pangunahan. Pasalamat nga ang babaeng ito at hindi na lamang pinakulong ng asawa at ni Tita Phila, e!" Mababakas pa rin sa anyo ni Eula ang inis para sa akin. Palibhasa

