LOVIE'S POV HUMAGIKHIK ako nang walang-sabing binuhat ako ng aking asawa gamit ang matipuno nitong mga bisig. Dàmn, mukhang madadali na naman nito ang monay ko. Ugh! Sinalubong agad kami ng ilang mga kawaksi na halatang kinikilig pa ang mga ito nang makita kami. Pumanhik na kami sa taas patungo sa aming kwartong mag-asawa, nang marating namin ang sariling kwarto ay ibinaba naman ako nito. "Buksan ko lang," nakangiting turan ni Kervy sa akin. Nailing lang ako rito, halatang excited. Samantalang iyong puso ko naman ay hindi magkamayaw sa kaba na nadarama. Nang mabuksan nito ang aming kwarto ay agad akong dumiretso sa sarili kong room. Hinayaan ko lang na bukas ang pinto ng kwarto at dire-diretso lang ako patungo sa banyo para maligo. Akmang isasara ko na sana ang pinto ng aking

