LOVIE'S POV HINDI naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng private suite kung nasaan ang aking ina at kapatid. Iniluwa roon ang misteryosong anyo ni Mr. Wong. Nagulat pa ito sa aming pagdating. Napasulyap ako sa seryosong mukha ng aking asawa. Napansin kong matiim lang itong nakatitig sa mukha ni Mr. Wong. Narinig kong tumikhim si Mr. Wong dahilan para muling ibaling ang tingin dito. "You must be Mrs. Del Mundo, right? Well, there's no need because the Del Mundo family is well-known in the corporate world, especially your husband Mr. Kervy Del Mundo." "It is a pleasure for me to have the opportunity to meet Mr. and Mrs. Wong's son," sagot ko rito. Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Mr. Wong. Pansin kong napasulyap ito sa aking asawa sabay tango. Inilahad nito sa aking harapan an

