EULA NAAWA ako sa kaibigang si Lovie. Hindi nito deserved na masaktan. Marami na itong sinakripisyo tapos ganito lang ang malalaman ko? Humanda talaga sa akin ang higâd na Ms. Salazar na iyon. Pinagmasdan ko lang ito na nakatulog sa aking kwarto. Hindi ko muna ito pinauwi dahil mas lalo lang daw itong nasasaktan sa tuwing nakikita ang asawa. Kung si Lovie ay sobrang bait, pwes, iba ako rito kapag galit na galit. Kung dati pinalampas ko ang ginawa ng kapatid kong psychopath, never ang ginawa ng makating si Ms. Salazar. Naikuyom ko ang aking mga kamao sa sobrang inis. "Dmn it!" Malutong kong mura sa mahinang boses. Mula sa side table ay dinampot ko ang sariling cellphone. Nag-text ako kay Kervy na narito si Lovie sa aking bahay. Pagdakay, ni-sent ko kaagad. Hanggang sa nagpasya na ako

