Kervy's POV "HINDI ko nagawa, dāmn that woman. Tinuhod ba naman ako, tang'na!" Naiiling na saad sa kanya ni Sandro. "Baka nagpapakipot lang 'yon sa'yo. Imposibleng hindi siya natinag sa karisma mo, Sandro." "I can sense that she likes me, hindi niya ako mapagsinungalingan. Sa galing ko ba namang kumalatis ng babae," pagmamayabang pa sa kanya ni Sandro. Nailing na lamang siya sa narinig mula sa kaibigan. "Ang yabang mo talaga." "Sinasabi ko lang naman ang totoo, and you know me well. Ikaw, bakit ibang-iba ang ngiti mo ngayon? Gusto mo bang hulaan ko?" pilyong tanong ni Sandro sa kanya. Nailing siya sa sinabi ng kaibigan. "Huwag mo akong pagtripan, Sandro." "I'm not," nakangising sagot ni Sandro sa kanya. "Naka-score ka na ba kagabi?" Hindi na niya napigilan ang sarili at naibuga n

