(3 months later...) Third Person POV* "Oy! Hawakan mo nga ng maayos!" "Aissh! Again! Dapat maayos na ang pagkakahawak mo!" "Meow!" "Seriously, Ivan?" di-makapaniwalang sabi ni Jahara habang tinatanggal ang pink na apron nito. Nagluluto kasi sila ni Gianna sa kusina. "Seryoso naman talaga ako eh!" nakasimangot na sabi ni Ivan. Tinuturuan niya kasi si Lee Min Ho kung paano kumain gamit ang kutsara at tinidor. "Teka, nasaan na ang cookies ko?" "Eto na po!" sabi ni Gianna at lumabas ng kusina. Inilapag niya ang cookies sa table. Agad namang pumunta doon si Ivan at kumuha ng tatlo. Ibinulsa niya naman ang isa. "Hoy ang daya mo! Ba't mo binubulsa yan?!" Jahara exclaimed. Ivan chuckled. "Para kay Lee Min Ho 'to mamaya!" sigaw ni Ivan at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Renzo, Grey, K

