Chapter 40- The Trap 3rd Person POV* "Geez! It's been an hour since she went to the comfort room!" nag-aalalang sabi ni Gianna habang hindi mapakaling nakatingin sa relo niya habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ng Trinities. Nasa cafeteria pa rin sila at hinihintay na makabalik ang dalawa na kasama si Sky. "Don't worry, Jahara and Ivan are on the way there," sabi ni Brent sa kanya. Tumigil naman si Gianna sa paglalakad kaya nakahinga naman ng maluwag si Brent. Nahihilo na kasi siya sa ginagawa ni Gianna. Ilang minuto pa ang lumipas at nakita nilang tumatakbo si Jahara at Ivan papunta sa table nila. Agad namang tumayo si Gianna at nilapitan ang dalawa. "Nasaan si Sky? Ba't di niyo siya kasama?" kinakabahang tanong ni Gianna. "W-Wala siya sa comfort room," sagot ni Jahara. Mas

