Chapter 36- Flashback (Ito po ang nangyari after sa photoshoot or before the pageant) Gianna's POV* Sinundan ko ang dugo at kumunot ang noo ko nang tumigil ito sa pagitan ng kama ni Jahara at ni Skyler. Kahit kinakabahan, una kong pinuntahan ang drawer ni Jahara. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang laman nito. Napaupo ako sa sobrang takot at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod at ng buong sistema ko. "What are you doing?" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Jahara. Lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo. Tinignan niya ang drawer niya at gulat rin ito nang makita kung ano ang laman. "K-Kailan pa?" tanong ko. Yumuko naman siya at ramdam kong natatakot rin siya. "H-Hindi ko alam. Basta alam kong matagal na akong nakakatanggap ng threa—"

