Chapter 32- Spy One week after 3rd Person POV* "Sky, please kumain ka na...birthday mo ngayon. You should celebrate!" sabi ni Kyle at pilit na ngumiti sa harap ni Sky na tulalang nakatingin sa kawalan. Para siyang baliw na nakatakas sa mental. Minsan tumatawa ng mag-isa, o di kaya'y bigla-bigla nalang umiiyak. "Langit! Ang tanda mo na!" nakangiting sabi ni Ivan at sinindihan ang candle na nasa Black Forest Cake na si Ivan ang nag-bake. Malungkot siya para kay Skyler na tinuring na niya ring kaibigan, at pilit niya itong pinapasaya. "Happy birthday! Blow your candles!" sabi ni Ivan at nilagay ang cake sa harap ni Sky. Nanatiling tulala si Sky at hindi mo makikitang kumurap siya kahit saglit. "Langit! I said blow your candl--" Nagulat ang Trinities nang bigla niyang hinagis ng malakas

