Maaga akong nagising at unang bumati sa akin ang inidoro. Sobrang sama ng pakiramdam ko at lumala pa ito dahil panay ang pagduwal ako. Narinig ko na naman ang walang tigil na pag-ring ng phone ko. Pagkuha ko, saktong namatay ‘yung tawag. At pagtingin ko sa screen ng phone, nakita kong si Kuya TJ pala ito. Bukod sa text messages at tawag galing kay Dax na ‘di ko pinansin, there were several missed calls from my brothers since last night. Binuksan ko agad ‘yung group chat namin at dito nalaman ang dahilan. Nakita ko ‘yung chat nila kaninang madaling araw. KUYA TJ: Hindi ba kayo magkasama ni Daxon sa iisang bahay? Kagagaling lang niya rito sa Batangas. Hinanahap ka sa amin. KUYA PJ: Babe! Naglayas ka ba?! Anong ginawa ng asawa mo? Sinaktan ka ba niya?! KUYA MJ: Babe, answer our calls. N

