“Gusto mong magpunta ng concert?” halos pabulong na tanong sa akin ni Bobbie, natatakot yatang may makarinig sa amin kahit wala namang ibang tao bukod sa amin. Kakatapos lang akong ayusan ng make-up artist na kinuha nila. Tuloy ay bago ko pa makita ang sarili ko sa salamin, mas nauna kong nakita ang tickets na hinugot niya mula sa kanyang bag. “Mamayang gabi, may battle of the bands kasi sa university kung saan ako nagma-masteral. Pupunta ako kasama ng mga kaibigan ko but I have two extra tickets. Baka gusto mong pumunta tyaka baka may kaibigan kang gusto mong isama,” itinaas-baba niya ang kilay niya sa akin na para bang may iba itong ibig ipahiwatig. Kinagat ko ang labi ko at napaisip. Kaya lang inabot na niya ‘yung tickets bago pa man ako makasagot. Itinago ko na lang agad ito sa dada

