"Dax, let go of me." "Baby... please stay." "I said I want to leave!" "Then I'll come with you-" "I want to leave because I want to be alone." Gusto kasi ni Dax pabalikin ako sa kama para matulog pa kasama niya pero ayoko nang ipikit pa ang mga mata ko. Ang sama kasi ng panaginip ko kaya maaga akong nagising. Paano ba naman, imbes na mapanaginipan kong ako ang kahalikan ni Dax, si Richelle ang nakita ko na wagas kung makahigop! Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa ganitong bangungot? Kaya ngayon ay naisipan kong mag-jogging. Gusto kong alisin 'yung mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip ko. At kailangan kong gawin ito ng mag-isa. Nang makakawala na ako sa pagkakayakap ni Dax sa akin ay agad akong naghilamos at nagpalit ng damit panlabas: a black sports bra and leggings. Ipin

