Naibenta ni Daisy ang kaniyang pangangatawan kay Chrollo dahil nagkautang siya kay Raymond. Hindi alam ni Daisy ang kung ano ang kaniyang gagawin nang manganib ang buhay ng kaniyang anak na si Wysteria. Nakita niya na nangingisay ang kaniyang anak habang kalung-kalong siya ng kaniyang ate Dahlia. Nagtawag naman ng taxi si Daisy para maitakbo ang kaniyang anak sa hospital. Dinala sa emergency room si Wysteria dahil sa kalagayan niya. "Kailangan na nang kaagarang operation ang anak mo dahil lumalaki ang butas sa kaniyang puso. Within 24 hours kailangan na siyang ma-opera kung hindi...." saad ng doktor nito sa kaniya. Napaupo si Daisy sa upuan at alam niyang limang milyon ang kailangan nito para sa operasyon ng kaniyang anak. Walang tigil siya sa pagluha at kaagaran niyang tinawagan si Len

