Chrollo's POV Hindi ko akalain na ang dati kong asawa ang naging secretary ko. Napakalaki nang pinagbago niya dahil she is very intelligent and beautiful lady. Napakatapang na Daisy Mantilla ang nakikita ko sa harapan ko. Lahat ng report na sinu-submit niya sa akin ay complete at lahat ay hindi na kailangan pang ulitin. Nagpanggap siyang wala kaming nakaraang dalawa at ganoon din ako sa kaniya. "Daisy, do I have a meeting for today?" tanong ko sa kaniya habang pinipindot ko ang cellphone ko at nakaupo ako sa upuan ng office ko. Nakatayo siya sa harapan ko at napakaseryoso nang tingin niya sa'kin habang binabasa nito ang schedule ko for today. "Yes, sir, mamaya pong 4:00 p.m. kay Mr. Logan Treveno." "Can I cancel my meeting with him?" Nagulat siya at umismid ito sa harapan ko. "No sir,

