Hindi akalain ni Daisy na magagahasa siya ni Chrollo. Ayaw na niyang pumasok sa office pero nakikita nito ang anak niyang naka-confine sa hospital. Nakagising si Wysteria at tumabi si Daisy sa kaniyang anak. "Mama, hinihintay po kita kagabi. Bakit hindi ka dumating?" tanong ng kaniyang anak. Nalungkot ang mukha niya at hinalikan niya ang kamay ni Wysteria. "S-Sorry baby, n-nakatulog kasi si mama sa office. Pero, promise hindi na mauulit iyon." Pilit na nagsinungaling si Daisy sa kaniyang anak at ang totoo ay ginawan siya nang kahalayan ng kaniyang dating asawa. Pumunta sa c.r si Daisy para maligo na lang sa hospital at napansin niyang may pasa siya sa kanang braso. Nakuha niya iyon nang pisilin ni Chrollo ang kaniyang braso dahil nanlaban ito. Nakakaramdam pa rin siya ng sakit sa ulo da

