CHAPTER 7.1: Isla de Sera.

2137 Words
CHAPTER 7.1: Isla de Sera. Written By: CDLiNKPh TULUYANG nagkahiwalay sina Wesley at Amber. Mabilis na nakita si Wesley ng mga rescuer at kaunti lamang ang tinamo nitong galos nang dinala ito sa ospital. Sa kabilang banda, si Amber ay hindi pa rin nakikita... Lingid sa kaalaman ng lahat, tinangay ng malakas na alon si Amber patungo sa isang liblib na lugar. Isang lugar na kaunting tao lamang ang nakakaalam. Nang biglang may dumating na isang babaeng preso na hinahabol ng mga pulis. Nakita nito ang walang malay na si Amber sa gilid ng dagat kaya naisip nito na makipagpalit ng damit dito. Agad na hinubaran ng babae si Amber at pinagpalit nito ang damit nilang dalawa. Itinago nito sa gilid si Amber at agad nang nagtatakbo ang babae nang marinig ang mga yabag ng pulisya. ---- PAALIS na sana sa lugar na iyon ang isang lalaki nang may maananigan itong isang babae sa gilid ng ilalim ng puno. Tinanaw pa ng lalaki nang maigi ang babae dahil baka namamalik mata lang siya pero totoo ngang isang tao ang naroon! Agad siyang lumapit sa babae at agad na binuhat ito nang makita ang sugat nito sa noo. Dinala ng lalaki ang babae sa pansamantala nilang tinitirhan ni Mang Nestor. Nataranta agad ang matanda nang makita ang babae at agad na rin nilang ginamot ang sugat nito. Hindi pa man nila ito nakikilala ay alam kaagad nila na masamang tao ang babae base sa suot nito. Pangpreso ang damit nito at marahil ay isa ito sa mga preso na tumatakas sa Isla De Sera. Doon tinatapon ang mga preso na animo hindi na kayang sulusyunan ng gobyerno ang mga ginagawang kasamaan sa kapwa. Sa madaling salita, espesyal na kulungan kung saan nakakulong ang mga d**g lords, killers at iba pang masasamang tao na mabibigat ang kaso. Karamihan sa mga naroroon ay mga lalaki bagama't may mangilan-ngilan ding babae. Sa Isla De Sera dinadala ang mga 'demonyong' tao na hindi na kayang ihandle ng mga pangkaraniwang kulungan na lamang. Sa pangkaraniwang kulungan kasi ay may umiiral pa na batas. Pero sa Isla De Sera, kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring gagawin doon sa 'yo. Kung isa kang r****t ay pagsasamantalahan ka rin sa kulungan. Kapwa lalaki mo nga lang lalaki ang gagawa no'n sa 'yo at sa marahas pa na paraan hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw sa s*x. Sa kaso naman ng pagpatay ay hindi mabilisang bitay ang ginagawa sa mga serial killers na nasa Isla De Sera kung hindi unti-unting pagpatay at p**********p. Sa Isla De Sera, pinuputulan ng daliri ang mga magnanakaw. Binubulag ang mga namboboso at pinuputulan ng dila ang mga nagsisinungaling. Isa iyong impyerno para sa mga demonyong tao. Ang lugar na iyon ay hindi lingid sa kaalaman ng gobyerno pero itinatago iyon sa publiko. Iyon ay dahil ang nagmamay-ari ng lugar na iyon ay isang s*****a na ginagawang laruan na lamang ang mga 'masasamang' tao. Iilang tao lamang ang nakakaalam na may ganoon talagang klase ng lugar ang nag-e-exist sa mundo dahil ang gobyerno mismo ay itinatago iyon sa kaalaman ng lahat ng tao. Bakit nga namang hindi? Legal doon ang pumatay at magpahirap ng mga taong kriminal. Napatingin ang lalaki sa mukha ng babae. Parang ayaw tanggapin ng loob niya na gano'n ngang klase ng tao ang napakagandang babae ngayon sa kanyang harapan. Kung siya ang tatanungin ay mukhang napakabata pa nito. "Ano'ng balak mo sa kanya?" Tanong sa kanya ni Mang Nestor matapos nilang linisan ang katawan ng babae at mabihisan ito. Ngayon ay mahimbing na ang pagtulog nito. "Simple lang, Mang Nestor, ibabalik ko siya sa Isla De Sera," walang anumang sabi niya. "Sigurado ka ba na roon talaga galing ang babaeng iyan? Tingnan mo nga at napakaamo ng mukha niya. Kung ako ang tatanungin ay mukhang kahit lamok ay hindi niya kayang pumatay." Nakatingin din sa babae si Mang Nestor. Katulad niya ay hindi ito bulag para makita na hindi pangkaraniwan ang ganda ng babaeng nasa harapan nila. "Maganda nga siya, master pero huwag n'yo rin hong kalimutan na sometimes, looks can be deceiving. Who knows, 'yang ganda niya ring mismo iyan ang panlaban niya sa kahit anumang bagay? Maaaring delikadong tao pala siya kaya hindi natin dapat idamay ang sarili natin sa kanya." Magsasalita pa sana si Mang Nestor pero napansin na nila na bigla na lamang umungol ang babaeng nakahiga sa kama at unti-unti itong nagising. Napahawak ito sa sentido nito na para bang sumasakit iyon ng husto. "Sino kayo? B-bakit wala akong maalala?!" Bakas sa mukha ng babae ang matinding takot pero para bang hindi iyon para sa kanila. Para bang mas natatakot ito kaysa sa sarili nito! "Huwag kang magsinungaling babae! Sabihin mo, sino ka? Isa kang kriminal hindi ba?!" Sinigawan na niya ang babae. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong mga sinungaling. "H-hindi ko alam kung sino ako. Bakit hindi ko alam kung sino ako? Bakit?!" Naghesterikal na ang babae. "Brandon, pwede ba tumahimik ka na muna! Hindi mo ba nakikita na confused na siya?!" Sinaway siya ni Mang Nestor. Inis na umupo na lamang siya sa isang tabi at hindi na nagsalita hanggang sa turukan nito ng kung ano ang babae para makatulog na iyon at hindi na mag-ingay. Isang doktor si Mang Nestor na 'nakakulong' din sa Isla De Sera. Katulad niya noon ay isa rin itong itinuturing na kriminal. Naakusahan itong pumapatay ng mga pasyente kaya nawala ang lisensya nito at nakulong pa. Pero kahit ganoon ay nanatili pa rin itong matalino at may mataas na kakayahan pa rin bilang isang doktor. Dahil sa kakayahang iyon, ito ang gumagamot sa mga napupuruhang kriminal sa kulungan ng libre. Nagtitipid yata ang may ari ng Isla de Sera kaya hindi na nag-abala pang maghire ng doktor na hindi preso. Bilang kapalit ng panggagamot ng libre ni Mang Nestor ay may kalayaan ito. Iyon nga lang, ang kalayaan na iyon ay hanggang sa Isla de Sera lang. Binigyan pa ito ng maliit na kubo na kinaroroonan nila ngayon. Naging magkaibigan sila noon sa kulungan bago ito tuluyang nalipat sa Isla de Sera. Naroon siya para humingi ng medical advice rito. Sinadya pa niya ang lugar na ito kahit napakalayo dahil malaki ang tiwala niya rito. "Mukhang magkakaproblema tayo sa kanya. Wala siyang naaalalang kahit ano at base sa observation ko ay hindi nga siya nagsisinungaling. Hindi ganyan kagaling umarte ang isang tao na nagpapanggap lang, Brandon," sabi ni Mang Nestor. Natigilan siya sa sinabi ni Mang Nestor at napatingin sa babaeng himbing na ulit ngayon na natutulog. May amnesia ang babae katulad niya. Bigla niyang naalala ang sarili rito dahil katulad nito ay wala rin siyang maalala tungkol sa kanyang pagkabata. Kung sino siya, saan siya nanggaling o kung sino ang pamilya niya. Katulad ng babaeng nasa harapan niya ngayon ay naiwala rin niya ang sarili niya... --- KINABUKASAN... Nagising na si Amber at nakausap na niya ang lalaking nagligtas sa kanya. Si Brandon. Panay ang tanong nito pero wala siyang maisagot na kahit na ano. Sumasakit lang ang ulo niya kapag nag-iisip siya. Alam niya na naiirita na ang lalaki sa kanya pero wala naman itong magagawa kung wala talaga siyang maisagot. Sa totoo lang ay natatakot siya sa lalaki dahil halata naman na masungit ito. "Kung wala kang ideya sa pagkatao mo, ako na mismo ang magsasabi sa 'yo. Kailangan mong malaman na posibleng isa kang kriminal na tumakas sa Isla De Sera. Ito ang suot mo kahapon." Inilabas ni Brandon ang suot daw niya kahapon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang damit pangpreso. Napaluha siya. Kung gano'n ay isa siyang masamang tao? Kaya ba niloob ng Diyos na makalimutan na lang niya ang lahat ay dahil masyado na siyang maraming masasamang bagay na nagawa at hindi na kinaya ng puso at utak niya ang kunsensya? Napaluha siya nang maisip iyon. Para namang natuliro ang lalaki. "Pwede ba, huwag kang umiyak sa harapan ko!" Naiiritang pagsigaw nito. Awtomatikong napapitlag siya. Nakakatakot talaga ang lalaking nasa harapan niya. Kahit hindi pa niya ito lubos na kilala ay alam niyang delikadong tao ito. But for some reason, nakakaramdam siya na maaari pa rin siyang magtiwala rito. Iniligtas siya nito kaya sa tingin niya, kahit masungit ito ay may kabutihan pa rin sa puso nito. Tumayo na ito. "Hindi ako maaaring magtagal sa lugar na ito kaya kinalulungkot kong sabihin na ngayon din ay pupunta na ako sa Manila. Ihahatid na rin kita sa Isla De Sera. Hindi ka pwedeng dumito sa kubo ni Mang Nestor dahil baka madamay pa siya sa 'yo," salat sa emosyong sabi nito. Lalo siyang napaiyak. Hindi niya gustong makulong. Pagkarinig sa sinabi nito ay agad siyang lumuhod sa harapan nito! "Nagmamakaawa ako sa 'yo! Huwag mo akong ibabalik doon, gagawin ko ang lahat! Kung gusto mo ay gawin mo akong katulong mo, gagawin ko. Susundin ko ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong ibabalik doon!" Napasapo sa noo nito ang lalaki. Iniisip siguro na sakit siya sa ulo. Mahiya man siya ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang kapalan ang mukha kung ayaw pa niyang makulong. Kahit naman wala siyang maalala ay hindi naman siya tila bumalik sa pagkabata na walang ideya kung ano ang bilibid. "Sa tingin ko ay wala ka nang ibang pwedeng pagpilian kung hindi ang isama muna siya sa 'yo, Brandon. Hindi mo siya pwedeng iwan dito. Matanda na ako masyado kaya hindi ko na siya maaalagaan pa. Isa pa, baka bumisita rito ang mga taga Isla de Sera jail at ako pa ang malagot dahil dito siya ngayon naninirahan. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Isa siyang babae at doon pa siya nakakulong sa Isla De Sera. May ideya ka naman siguro kung gaano kasama sa mga preso ang mga guards doon. Sa ganda niyang iyan, hindi malabo na mapagsamantalahan pa siya roon lalo pa ngayon na wala siyang naalalang kahit na ano." Biglang dumating si Mang Nestor at pinagtanggol siya. Napatingin siya kay Brandon. Nakasimangot ito at halos hindi na rin niya makita ang mukha nito dahil sa kakapalan ng balbas nito. Sa paningin niya ay mukha itong ermitanyo at mukhang hindi naliligo pero alam niyang wala na siyang choice kundi ang sumama na lang dito kaysa naman makulong siya. Sana lang ay pakinggan nito ang sinasabi ni Mang Nestor at maawa sa kanya "That's exactly the point, Mang Nestor. Sa Isla De Sera siya nakulong at hindi sa pangkaraniwang kulungan lang. Lugar na hindi makukulong ang isang tao na mababaw na krimen lang ang ginawa. Paano kung delikado pala ang taong ito? Baka siya pa ang maging mista ng pagkamatay ko!" "Kaya ka natatakot? Dahil ayaw mong mamatay? Ganyan ba ang tunay na lalaki, ha, Brandon?!" Sumigaw na rin si Mang Nestor. Natigilan naman si Brandon. "Sino ka para husgahan siya, Brandon? Higit kanino man, tayo ang mas nakakaalam na hindi lahat ng mga nakukulong ay gumawa ng masama. Maraming nakukulong na naging biktima lang din ng mga pangyayari. Paano kung kaparehas din pala natin siya? Wala siyang naalala na kahit ano tungkol sa sarili niya kaya unfair para sa kanya kung huhusgahan agad natin siya dahil lang sa suot niya no'ng nakita natin siya. Makakaya ba ng kunsensya mo kapag may nangyaring masama sa kanya? Paano niyang pagsisisihan ang nagawa niyang kasalanan sa loob ng kulungan kung wala siyang maalala na kahit ano tungkol dito? Paano?!" Namayani ang katahimikan sa paligid. Maya-maya ay bumuntong-hininga si Brandon. "Fine. Pumapayag na ako. Isasama ko siya sa pag-alis ko and I will let her stay beside me but only until she remembers who she is. But let me remind you, little girl that you have to work for yourself and promise me that you will return here once you remember everything about you. Hindi ka pwedeng tumakas sa mga kasalanan mo habang buhay. Nagkakaintindihan ba tayo?" Napalunok siya. Kung totoo nga na sa Isla De Sera jail siya galing at tumakas lang siya, para saan pa ang pagtakas niya kung babalik din lang pala siya? Pero naisip niya na kailangan nga siguro niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya pero hindi pa ngayon. Ayaw niyang makulong na hindi alam kung para saan ang pagbabayad niya ng kasalanan. " O sige, pumapayag na ako." Sa wakas ay nasabi niya. "Mabuti naman kung gano'n." Iyon lamang at iniwanan na siya nito. Kinabukasan... Kinausap ni Mang Nestor si Brandon at medyo natagalan iyon pero wala na siyang pakialam kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito, ang importante ay makakaalis na siya sa lugar na iyon. Yumakap pa siya sa matanda at nagpasalamat dito. Kung hindi dahil dito ay baka hindi niya napapayag ang lalaking masungit na sumama siya rito. Gamit ang bangka palabas ng Isla ay agad na silang pumunta sa Bus Terminal para pumunta ng Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD