"HINDI mo ba talaga siya kakausapin?" tanong ulit ni Olay sa kanya. Umiling lamang siya saka muling binaon ang mukha sa unan. Naroon siya sa silid niya at nagkukulong. Doon siya tumakbo matapos maging klaro sa kanya ang lahat. Nakapag-desisyon na siya. Sasama siya kay Janet Lee. Mas makakabuti kung aalis na lang siya. Isang kahangalan na kung mananatili pa siya roon. Araw-araw lang niyang makikita si Vanni habang pinagmamalaki nito sa buong Tanangco ang pagmamahal nito kay Jen. Hindi siya martir. Tama na ang minsan siyang nasaktan. Kaya mas mabuti na rin ang siya ang umiwas at magparaya. Wala na siyang laban pa. Si Jen ang pinili nitong mahalin. Samantalang siya, narito at binubuhos lahat ng luha niya dahil sa sobrang sakit na bunga ng isang matinding kabiguan. "Baka naman magpapaliwana
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


