"ARE you ready?" tanong sa kanya ni Janet. Huminga muna siya ng malalim. Ngumiti. Pagkatapos ay tumango dito. Kahit na ang totoo ay parang tatalon palabas ng dibdib niya ang puso niya sa sobrang kaba. "Huwag kang kabahan, Mads. Hindi na bago sa'yo ito." Dagdag pa nito. "You know me, Miss Janet. Lagi na lang akong kinakabahan." "You're my finale. You're wearing my finale dress. Ipakita mo sa mga tao ang tamang attitude. You're one hell of a model, Madi. Dapat alam mo 'yun." Wika nito na tila lalong nagpapalakas ng loob niya. "Thank you," aniya. Tumingin muna ito sa paligid. Tapos ay pinakatitigan siya. "Maganda kang bata. Kung sana'y nagkaroon ako ng anak, ikaw na lang sana." Sabi pa nito. Janet Lee is a widowed. Pero walang anak. Hindi ito nabiyayaan kahit na isang anak. Kaya nang m

