Chances 34 Nagising akong pagod at halos hindi na maidilat ang mata sa antok Minsan mapapaisip ka nalang talaga kung nananadya ang diyos o talagang tadhanang mangyari ang lahat. Pagod akong nakatingin sa salamin kanina pa ako dito pero hindi ko magawang tumayo. Natatakot akong harapin ang katotohanang bubungad sa akin sa oras lumabas ako ng kwartong ito. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas na meron ako kaya hindi kuna kayang gumalaw pa. Parang hindi ko kayang umusad sa sitwasyong ito. Ganito pala ang pakiramdam—pakiramdam na kalahati ng buhay mo ang nawala sa'yo. Mas masakit pa ito ng iwan ako ni North noon. "Ate Ali, nasa chapel na daw po si Nanay," imporma ni Katya ng sumungaw ito mula sa pinto. Isang tango lang ang isinagot ko dito bago muling malungkot na bumaling sa s

