Sa bawat araw na dumadaan sa buhay natin hindi ito lalagpas na walang ibibigay ang diyos sa atin na maliit na pagsubok. Madalas malalagpasan ko ito ng marami kang matututonan at masaya. Pero mas madalas nagtatanim ito ng maliliit na sugat na hindi mo namamalayang lumalaki na kalaunan hanggang sa hindi mo na ito magamot. Niyakap ko ang sarili ko ng umihip ang hangin. Animo'y dumaan ito para ako'y yakapin. Gusto ko mang magalit o manumbat sa'yo dahil kinuha mo ang nag-iisang babaeng nagsilbing ama at ina ko ay hindi ko magawa. Dahil ikaw din mismo ang nagbigay sa kanya sa akin. Kung meron mang natira sa puso ko ngayon iyon ay ang sakit ng mga sugat na paunti-unti kung pinaghihilom sa mga nagdaang panahon. Mga sugat na hindi ko inakalang mananatiling sariwa ng matagal na panahon. Kaya nga

