"There are no second chances in life, except to feel remorse."
Carlos Ruiz Zafn
Chances 4
Tiim bagang akong nakatingin sa sasakyang papalabas ng gate. Hanggang ngayon gustohin ko mang ipilit ang sarili ko sa kanya minsan talaga may limitasyon din ang lahat. At ayoko siyang saktan kaya makukontento muna ako sa tabi kung saan at kailan niya ako kailangan.
"Papaalisin mo talaga siya?"-untag ni West na nakatayo na pala tabi ko.
Sinabihan ko sila kaninang papunta ako ng Tagaytay. Eto ang pangarap naming bahay pero kahit segundo hindi niya man lang tiningnan o naalala. Sabagay its all in the past now like what she said before.
"Sino ako para pigilan siya? Let her be.. Kukunin ko din siya one of these days."-mayabang ko pang sagot dito. Pero sa totoo lang alanganin ako kung tutulad siya sa usapan namin. Kung anuman ang problema niya sana lang wag niyang sarilinin.
"Then cheers to that bro. May mall show pa tayo bukas papatayin tayo ni Aura bukas."-napangisi ako kay East.
"Takot ka kay Aura sa amin hindi? Minsan talaga napapaisip na kaming ipagpapalit mo ang friendship natin para sa babae mo— Awww."
"Aura is not my girl. You knew that!"-depense nito na malungkot na ngumiti.
"Sabagay. Aura lives on here own world with her own rule. Mapapasayo din 'yon one day bro tiwala lang."-tapik ni West sa balikat ni East kaya napatawa nalang kami kasi nagiinis si East pag 'yon na ang topic.
Aura is our manager. East offered her that job not just because Aura is good, but she also has a thing for her.
Na hanggang ngayon hindi pa rin nagbubunga. Madidisband na ata kami pero hindi parin siya nakakafirst base dito.
"Hoy Southerio sinong kausap mo diyan? Ano may babae ka ng hindi namin alam?"-bato ko kay South na nasa isang gilid na nakatutok sa cellphone niya at sumenyas lang na wag akong maingay. Babae nga!
Napatingin ako sa cellphone ko ng makitang nagtext na si Benny para sabihing naihatid niya na si Alitah. Napangisi ako ng makita ang pinadala niyang larawan ni Alitah na papasok sa isang gate.
I let you leave but still now I know where you lived.
"Alam ko 'yang ngisi na yan. Your getting laid?"-duro sa akin ni West.
"Gago. Alam ko na kung saan nakatira si Alitah."
"Nice! One point for you. So Ms. Zuldiriego here we comes..."-napapailing ako kay South ng bigla itong lumipad na akala mo Superman.
Akala ng iba ako lang ang baliw at puro kalokohan sa grupo namin. Nagkakamali sila dahil lahat sila baliw magaling lang talaga akong magdala.
Hindi ko alam kung anong oras na kami nakaalis ng Tagaytay pabalik ng Manila at umuwi sa kanya-kanya naming bahay. Pagdating ko sa mansion ng mga magulang ko ay naabutan ko pa silang magka-akbay na nanonood sa sala.
"Mum.. Dad.."-bati ko bago humalik sa pisngi nilang dalawa.
Nag-iisa nila akong anak kaya kahit away-bati sila lalo na noon wala akong magawa kundi pagtiisan sila. Pag magkaaway sila doon ako kay Lola nag-istay. Noong huling beses na away nila ay umabot ako ng isang taon doon sa Baguio. Doon ko din nakilala si Alitah, pero ang pagkakaalam niya sa buhay na meron ako noon ay simple lang. Apo ng isang matanda na simple lang ang pamumuhay doon. Pero hindi niya alam ekta-ektarya ang lupain ni Lola doon ayaw lang ipagsabi ni Lola dahil delikado lalo na at madalas siyang mag-isa lang doon.
"Iho gabi ka na naman."-bakas ang pag-aalala sa tinig niya. Napangiti ako dahil kahit matanda na ako kung ituring nila ako ay parang paslit. Hayaan ko nalang daw sila dahil ilang taon silang nawalay sa akin.
"May importante lang akong pinuntahan mum. Matulog na kayo late na masiyado para magpuyat kayo."
"Naku iho kung binibigyan mo ng apo 'yang mama mo 'edi sana may pinagkakaabalahan siya."-napakamot ako sa ulo sa sinabi ni Daddy.
"Daddd... Pass ako sa ganyan alam niyo naman kung bakit. Siguro balang araw kung babalik pa ulit siya sa akin."
"Tiwala lang iho! Baka kinakalawang na ang charm ng mga Dimagiba Ruiz huh! Naku magagalit ang Lolo mo niyan."
"Daddy naman! Hayaan niyo na akong dumiskarte. Yaan niyo next time sisiguradohin ko ng magkakaapo na kayo."-tumatawang tinapik ni Dad ang balikat ko.
Kung mangyayari pa ngang bumalik pa siya. Kasi ako sa sarili ko alanganin sa pangyayaring 'yon.
Pagoda kong nahiga sa sariling kama. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Alitah kanina. Takot na takot siya na baka makita ni Ate Allison kanina. Alam kung nakakatakot ang pamilya nila lalo na si General pero hindi ko alam na ganoon diya katakot sa kapatid niya. Hindi ko man alam kung ano ang rason kung bakit siya nagkakaganon pero nag-aalala ako. Hindi niya man sabihin ako mismo ang gagawa ng paraan para malaman 'yon.
I smiled when I realized that this is my first day with Alitah beside me.
Humanda ka papahirapan kita.
Pero mas nagulat ako ng pagbaba ko ay nandoon na silang tatlo kasama si Aura na kausap ni Mommy at Alitah.
"Good morning bro."-bungad ni East habang tumango lang si South na mukhang busy na naman sa cellphone niya.
"Pre aga ng regalo sa pasko ah! Bumait kana?"-sikong bulong sa akin ni West na narinig din ni East kaya tawa ng tawa.
"Gago! Matagal na akong mabait di mo lang pansin. Good morning girls."-napanganga ako ng sabay-sabay silang lumingon sa akin pero ang nakatawag ng pansin ko ay si Alitah.
She's not wearing her usual fierce looks.
My Alitah is smiling from ear to ear as if she won some lottery ticket.
'Yung buhok niyang lampas balikat ay nakapusod ng maayos na parang kahit langaw mahihiyang dumikit sa sobrang linis ng pagkaka-ayos. Hindi siya nakatshirt kundi isang color pink long sleeves na halos parang kahit kaunting hangin hindi na ata siya pinapasukan. At isang makulay na skirt na hanggang bukong-bukong na ata niya ang haba. In short para siyang papasok sa kumbento sa ayos niya. Dinaig pa ang kasuotan ni Maria Clara!
"Saan ang samba?"-hindi ko napigilang itanong na ikinabunghalit naman ng tawa ng tatlong nasa likod.
Kaya naman napasimangot si Ali sa sinabi ko at kulang na lang ay mawala na ang itim sa mata niya kakairap sa akin. Ako pa talaga ang may kasalanan ng lahat? Anong gagawin ko sa iyon ang nakikita ko sa kanya. Mukha siyang magsasamba. Daig pa si Mother Theresa kung manamit hindi naman na virgin.
Napaatras pa ako ng humakbang siya sa pag-aakalang sasapakin niya ako, yun pala ay dadaan lang siya. Aba mamaya bigla niya nga akong sapakin pinag-aral pa naman 'to ng jujitso ni General. Maganda na 'yong handa ako, mahirap masapak ng walang laban.
"Samba? Samba daw amputa!"
"Hoy! Bibig mo!"-dinig kung bulong niya ng dumaan siya pero napaatra lang din ako ng nilakihan niya ako ng mata at ambahan ng suntok.
Nakakatakot na talaga ang mga babae ngayon. Minsan maamo madalas parang tigre, nananakmal.
"Takot ka pala eh!"-West
"Akala ko ba matapang Norte? Anyare?"- dagdag ni South habang dumadaan sa harap ko bitbit ang ilang pirasong tinapay. Kasunod niya si East na bubuka palang ang bibig ay binantaan ko na.
"Don't you dare! Don't you really dare Easthanislao."
"Grabi siya sa pangalan ko. Isusumbong kita kay Ali. Hmf!"-napahilamos ko nalang silang sinundan ng tingin. Pag sa iba seryoso at tahimik siya pag kami ang kasama niya akala mo babaeng di maregla. Bipolar talaga!
Hindi na ako nakapagalmusal dahil nagmamadali na si Aura dahil malilate na daw kami. Samantalang 'yong alalay ko andoon katabi si Aura at nagkukuwehntohan. Akala mo naman close sila, minsan pa nahuhuli kung nakatingin sa akin na para bang ano mang oras ipapamurder ako. Kaya hindi na ako nagtangkang kausapin siya kahit parang sinisilihan na ang puwet ko dahil naririnig ko siyang may katawagang nagngangalang baby.
Bwesit may my loves na may baby pa. Ano na ako nito? Extra ganon?
"Manang..."-kaway ko doon sa isang staff ng mall. Naibaba ko bigla ang kamay ko nang lumingon sa akin si Ali na nanlalaki ang mata. Hala hindi naman siya ang tinatawag ko! "Hindi ikaw 'yon. Manang kaba?"-dagdag ko pa. Pero imbes na sumagot ay tumingin siya sa sarili inirapan ako at dali-daling naglakad palayo.
Hala siya oh!
Lakas ng topak amputa!
Hindi tuloy ako mapakali sa puwesto ko. Mabuti nalang hindi pa nag-uumpisa ang event. Marami pa kasing technical problem.
"Inaway mo? Lagot ka nakamangot na doon sa likod ang lab-lab mo."-bulong ni West pagkalabas niya ng back stage.
"Wala akong ginawa sa kanya. Tinawag ko si Manang akalain mo ba naman piling niya siya 'yun ang sama ng tingin sa akin."-tawa ng tawa si West sa kinuwento ko sa kanya.
Samantalang si Ali ayun buong event nakasimangot siya. Sinusunod niya naman lahat ng utos ko pero grabi naman ang tingin niya sa akin. Kung nakamamatay ang tingin niya kanina pa ako tumumba dito sa kinauupoan ko.
"Sir ayan na po 'yong mga gamit niyo. Uuwi na po ako."-bagsak niya ng bag ko sa harap ko.
Pati sila East napatingin sa amin. Panay senyas pa ni West ng lagot ako. Hindi man lang lumamig ang ulo niya grabi naman. Magsasalita pa sana ako ng may motorsiklong huminto sa harap namin.
Isang Black Matte Ducati Monster 696.
"My loves.. Nandito na 'yung sundo mo my loves."
Nang marinig ko 'yon parang isang linggo ng araw ko ay sira na. Kunot noo kung tiningnan si Alitah na nakangiti agad ng magtanggal ng helmet 'yung epal. Makaparada ng motor niya kaya ko ding sakyan 'yon.
"Wala ka pala eh! Bud racer bud... Racer."-inis akong lumingon kay West at East na panay bulong sa tabi ko ay tinaas ko nalang ang gitnang daliri ko.
"Singer at Drummer ka lang. Racer siya buddy."-dumagdag pa si South kaya tawa ng tawa si Aura sa tabi namin.
"Guys alis na ako. Kita nalang tayo bukas. Nandito na 'yong sundo ko eh!"-nakangiti niyang paalam sa banda.
Lumapit pa siya sa mga ito para magbeso, dahil hoping ako tumayo pa ako malapit sa kanya pero hopia lang talaga ako dahil nilagpasan niya na ako.
"Ingat Ali. Kita tayo bukas."-pahabol pa nilang paalam.
Wala sa loob na naikot ko ang mata ko ng makita kung sumakay siya doon sa likod ng motor. Inayos pa noong epal yung helmet niya.
"Kala mo naman ganda ng motor niya. Mukha namang parang siya lang walang ligo. May pahawak hawak pa. Tsk!"
"Huh! Kung sana dumidiskarte ka habang kasama mo hindi ka nagseselos ng ganyan."-inis kung dinuro si East.
"Ako nagseselos? Lol! Ikaw kaya ang magumpisa ng dumiskarte ng makausad ka na."
"Naku! Nagturuan pa kayo pareho lang kayong ulats."-singit ni South.
"Hoy puro kayo turuan magsiuwi na kayo at may praktis pa kayo bukas. Pare-pareho naman kayong olats."
Asar talo kaming iniwan ni East dahil mas lalo namin siyang inasar ng makaalis na si Aura. Yung topak kung lab-lab ayon lumayas na ng hindi man lang nagpapaalam. Kailangan ko talagang makaisip ng way bukas para batiin niya na ako.
Maaga akong nag-ayos at dinaanan si Alitah. Pinagbalot pa ako ni Mommy ng almusal para daw sa lahat kaya kape nalang ang bibilhin namin. Agad akong pumarada sa tapat ng bahay ni Alitah.
"Tao po.. Magandang umaga po!"
"Magandang umaga rin iho!"-bati noong matandang lalaki na may hawak pang tasa ng kape.
"Dito po ba nakatira si Alitah Zuldiriego?"-tanong ko dito habang palinga-linga sa paligid.
"Ay walang Zuldiriego dito iho! Alitah meron pero hindi Zuldiriego ang apelyido niya. Teka tatawagin ko maupo ka muna."-kunot noo akong napasunod ng tingin sa kanya bago naupo sa tinuro niyang upoang kahoy sa tabi ng gate.
Kinasal na ba siya para magiba ang apelyido niya? Ang sabi naman ni Benny ay dalaga pa ito, ayon sa mga napagtanongan niya sa palengke. Gulat akong napatingin sa humihila ng pantalon ko. Akala ko aso pero isang cute na batang babae lang pala.
"Ay hello po! Ang pogi niyo naman po. Ano pong nigagawa niyo?"-napangiti ako ng iipit niya ang buhok sa gilid ng taenga. May bitbit pa itong pandesal na may palamang itlog. Parang biglang naglaway ang bibig ko dahil paborito ko rin iyon.
"May inaantay lang ako baby. Ikaw bakit nandito ka sa labas? Baka hinahanap ka na ng Mommy mo."-tanong ko bago siya tinulongang makaupo sa upoang kahoy na nasa tabi ko.
"Ay ikaw po yung singer diba? 'Yung sa Cardinal point. Idol ko po kayo."-buti pa itong batang 'to naappreciate ako samantalang 'yong babaeng pinapasikatan ko. Ayon parang hangin lang akongn hindi nakikita. Wala man lang reaksiyon, minsan nakakasira ng self confidence eh!
"Yes baby. Pero secret lang natin 'to ah! Inaantay ko pa kasi 'yong crush ko."
Humagikhik siya bago bumaling sa akin. Sobrang cute niya sa ayos ng buhok niya. Bobcat hairstyle with a bangs. Mas lalong lumitaw ang bilogan niyang mukha. Sana pag nagkaanak kami ni Alitah ganito rin ang itsura.
"Sana po magustohan kayo ng crush niyo. Kasi si Mommy ko she's always masungit nibabasted niya 'yong may crush sa kanya."-napahalakhak ako sa sinabi niya. Naalala ko si Alitah sa sinabi niya. Madalas kasi parang pinaglihi sa sama ng loob.
Kakausapin ko pa sana ulit 'yong bata pero biglang bumalik na si Manong kanina at kinuha na 'yong bata. Siguro, apo niya 'yon. Nakalimutan ko pang itanong ang pangalan niya.
Namataan ko ng pababa na si Alitah, kaya hinanda ko na ang napakaganda kung ngiti. Pero lahat 'yon nahinto ng makita ko ang lalaking nakasunod sa kanya.
"My loves, nandito na 'yong pagkain mo. Pinabaunan ka din pala ni Nanay ng luto niya. Ubusin mo 'to ah!"
Hindi ko alam kung para saan ang salitang professionalism. Pero ngayon, parang gusto kung gamitin 'yon at isampal sa sarili ko. Dahil prang gusto kung kunin 'yong tubo sa kotse ko at ihampas sa epal na lalaking ito. Ang hirap din palang panindigan ang salitang mag-aantay ako. Dahil parang kahit sarili kung pangako masisira ko.