"HI honey!!" Akmang yayakap sakin si Rusty nang bigla akong akbayan ni Trevor. Natatawang gumilid naman siya at pinadaan kami. "Kayo na ba?" Tanong ni Rusty habang sumasabay ng lakad samin ni Trevor. "Malapit na..." Nakataas ang sulok ng labi niya saka kinindatan ako. Naiiling na tinignan ko si Rusty. "Where's Clarkson?" Tanong ko kay Rusty. "Ha? Nandon sa loob, hintayin niyo muna siya dito. May kausap pa siya eh." Sabi ni Rusty. Inalalayan naman ako ni Trevor sa isang mesa. "Sandali lang guys ha? Puntahan ko." Sabi ni Rusty saka tumalikod. Binalingan ko naman si Trevor. "Ano nga pa lang gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya. Sumandal siya sa upuan saka nilingon ako. "May sasabihin lang ako kay kuya, pagkatapos may pupuntahan tayo ngayon." Nakangiting sab

