'NAKU naman....naku naman. Sana namamalikmata ako.' Mas lalo akong kinabahan habang papalapit na siya sa direksyon namin. "Kilala mo ba 'yan anak? Mukhang nakatingin sayo eh." Narinig kong sabi ni papa. Mabilis naman akong kumilos at sinalubong si Trevor. "Anong ginagawa mo dito?" Inis na bulong ko sakanya, tumaas lang ang sulok ng labi niya. "Nagbabakasyon? Wala namang masama don ah." Pa-inosenteng sabi niya, napapikit ako ng mariin at muling dumilat. “Pero hindi dit---- "Anak?" Huminga ako ng malalim saka ko hinigpitan ang paghawak sa braso ni Trevor. Makisabay kana lang sakin ha? Naku, mamaya ka lang talaga." Bulong ko sakanya saka nakangiting bumaling sa direksyon nila papa. Nagtataka ang tingin nila samin. Tumikhim ako saka ko hinila si Trevor papalapit

