Chapter 60 "SIR CEDRICK... may tumatawag po sa inyo." Bigla naman akong napatayo nang marinig ko ang sinabi ng sekretarya ko sa akin. "Sino daw?" "Kaibigan niyo daw po siya. Deigo po ang pangalan." "Osige, ilipat mo ang call dito sa phone ko. Salamat,"utos ko na lang sa kaniya. Baka impprtante ang pag-uusapan namin ni Deigo at may makarinig pa sa pag-uusap naming dalawa. "Osige po Sir,"agad namang lumabas ang sekretarya ko. Baka may balita na si Deigo kung saan si Ena ngayon. Ilang taon ko rin siyang hinanap pero bakit ganoon? Kahit anong hanap ang gawin ko hindi ko siya makita-kita. Sobrang na miss ko na ang asawa kong iyon. Nangako ako sa kaniya na kapag tapos na ang problema ko ay babalikan ko siya. Pero bakit pag-balik ko naman sa kaniya ay nawala narin siya? Ang hirap talag

