Chapter 34 ..."MY REAL NAME IS Ena. Ena Marquez-Villaurel the wife of Cedrick Villaurel..."sabi niya sabay ngiti sa mga ito. Napanganga naman ang mga kaklase niya sa sinabi niyang iyon. Alam naman talaga niyang magugulat ang mga ito. Kaya hindi na siya nagulat pa. Pero ang pinaka-aabangan niya ay ang expresyon ni Kersten. Nakita niya itong natulala. Napalawak pa tuloy ang ngiti niya. Talagang alam na niya ang reaksyon ni Kersten. Mukhang nabagsagan ng dalawang bato galing sa itaas. Parang bato ito sa kinatatayuan. Bigla naman niya itong nilapitan at binulungan na lamang bigla. "Nagulat ka ba? Ako, hindi eh."asar niya pa. Napakasaya? Malamang, sa gusto niya itong mangyari eh. Hindi niya lang alam kung ano ang maaaring gawin sa kaniya ni Kersten, pero kung meron man ay handang-handa na si

